WIIH 15

21 2 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

ISANG buwan.Isang buwan na nanatili si Caeya sa probinsya para kalimutan ang nararamdaman niya sa asawa niya pero wala pa rin eh.Sa pagtulog,paggising,pagkain at kahit ano pang gawin niya ay palagi niyang nakikita ang bulto nito sa isipan niya.Kung pwede lang talaga magka-amnesia para makalimutan ang lahat pero iba talaga ang epekto sa kanya ni,

Maverick Elijah De Vera.

"Tita Dolores!Ganito po!"tanong niya kay Dolores habang sinusubukan niyang mag-ani ng palay.Nandun kasi sila sa ibang bahagi ng palayan.Kailangan nilang anihin yung natitira dahil magtatag-ulan na para mataniman ng bago kagaya nung ginawa noong isang buwan.Sinusubukan niyang mag-gapas at talagang nanghiram pa siya kay Brian ng karet.Ayaw niya kasing nakapanood lang sa mga ito habang hirap na hirap ang mga ito sa harapan niya.

"Ganyan nga.Ay naku kang bata ka.Baka mahiwa ka ng karet.Ingat ka."saway sa kanya ni Dolores at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.

"Ayos lang Tita Dolores."she replied at nag-gapas ulit.Hindi niya alam kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing tumitingin siya dito sa bukirin.Ang mas masaya pa nun ay pinapayagan siya ni Dolores na makielam kahit na hindi siya ganung karunong.

"Napaka-sipag talaga nitong si Caeya.Napaka-swerte ng asawa mo sayo."napatingin siya sa sinabi ni Mang Guding.Wala naman siyang nagawa kundi ang nginitian ito dahil hindi naman nila alam kung ano ang sitwasyon nilang mag-asawa.Kung alam lang nila.

"Oo nga ho.Kung wala iyang asawa?Liligawan ko talaga yan."

"Magtigil ka Brian,mag-aral ka munang maglaba!"malakas na hiyaw ni Dolores na dahilan ng tawanan ng mga magsasakang kasama nila.Alam naman nilang nagbibiro lang si Dolores kasi kung tutuusin?Napakasisipag ng mga tao sa probinsya.At kung sa siyudad eh walang hinihinging requirements lalo na ang educational attainment?Mas magandang sila pa ang nagtatrabaho dun.Mas deserving sila.

"Mam Dolores naman eh.Panira ka talaga."tanging naisagot niya.

"Maghanap ka na lang ng ibang babaeng lalandiin mo Brian."baling sa kanya ni Artur.Talagang maloko nga ang Brian na yun.Sabi  nila eh sadyang ganun na siya sa kahit sino kaya hindi man lang nakaramdaman si Caeya ng pagka-awkward.Mas awkward pa nga silang mag-asawa eh.

"Naku talaga.Kapag ako,nagka-girlfriend.Who you kayo sa akin."pagmamalaki nito.Tama lang naman kasi may itsura naman ito,mabait na masipag pa.Hindi nga lang siya type ni Caeya.Sayang.

"Anong who you?Baka tumanda kang binata.Napaka-ilap mo naman."hiyaw ni Mang Guding kaya nagtawanan na naman ang samahan ng mga katandaan.

"Naku talaga.Huwag kayong pupunta sa baysanan kapag ako ikinasal.Hindi ko kayo patitikimin ng kalamay."anas nito at tinawanan na naman siya ng mga matatanda.Hindi rin napigilan ni Caeya ang hindi matawa dahil sa itsura ngayon ni Brian.

"Edi magkalamay ka mag-isa mo.Sana mahalo mo ng ayos ijo."

At tawanan na naman ang nangyari.Hindi naman nga kasi makakapaggawa ng kalamay kapag mag-isa ka lang.Baka abutin ka ng siyam-siyam.Bago ka pa makapag-bilog ng malagkit.Susmaryusep.

Ng maka-kalahati na sila ng ginapas ay nagtawag na si Artur para mananghalian.As usual,boodle fight ulit sa dahon ng saging.Iyon ang nagustuhan ni Caeya sa kainan dito.Wala siyang pake kung marami silang salo-salo.Mapapalampas niya ba ang sandamakmak na gulay lalong lalo na ang seafoods na galing sa resort?

What If It Hurts? (What If Duology #1) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon