Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Caeya's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon.Ganun na lang yun kabilis?Pinuntahan niya lang ako sa condo kahapon para tanungin kung bakit ako nag-resign tapos,wala na.Okay kami.Okay na agad kami.Akala ko?Sa panaginip na lang mangyayari yun.Hindi ako masyadong sigurado kung totoo nga lahat ng sinabi niya pero,kailangan kong subukan.At least,nasabi ko sa sarili ko na sinubukan ko at hindi ako nagmukmok sa iisang tabi lang at pinabayaan ang sarili kong tuluyang mahulog?Tuluyang makalimot.
Hindi ako makapaniwalang,ipagpapatuloy namin ang kasal namin na nung una pa lang,alam namin na hiwalayan lang ang patutunguhan.Akala namin,pagkatapos ng kontrata eh hiwalay na kami.8th monthsary namin ngayon.Sana lang talaga,magtagal na.
Kasi nagkaroon na lalo ako ng dahilan para mabuhay pa ng matagal kahit na sinabing hindi na gagaling pa ang sakit ko.
Siya ang dahilan ko para magpatuloy sa buhay.
"Hoy.Caeya.Nasa front desk na yung asawa mo.Sinusundo ka na."masungit na anas sa akin Trale.Agad naman akong tumayo at niligpit na isa-isa ang mga gamit ko.
"Bakit galit ka?"I asked him habang inaayos ang mga lapis na ginamit ko for my plate.May kliyente na kasi agad ako eh.
"Si Meyumi kasi.Hindi niya sinabing paalis pala siya."napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.Nagkakaganun siya dahil kay Meyumi?Idadamay niya pa ako sa init ng ulo niya.Baka nakakalimutan niyang mas matanda ako sa kanya ng isang taon?
"Na pupunta siyang Europe?"I just said.
"Yun.Ngayon ko pa nalaman na sa Europe pala siya pupunta.That girl getting on my nerves."inis na inis niyang tugon.Gustong gusto ko siyang bara-barahin pero baka lalong mag-init ang ulo nito.Mahirap na.
"Ano ba kayo?"pang-aasar ko sa kanya kaya natahimik na lang siya.Oh yan.Dapat alam mo ang dapat mong kalagyan.Demanding?Eh ako nga,hindi makapag-demand kay Elijah.Asawa ko yun ah.Asawa.
"You like Meyumi."
"Hindi ah."
"Eh hindi naman kita tinatanong eh.That was an statement.Napapaghalataan ka masyado.O siya.Mauna na ako."I said bago tuluyang nilisan ang opisina namin ng hinayupak kong pinsan.
Hindi ko alam kung bakit napapangiti na lang ako ng walang dahilan.First time to.First time na may susundo sa akin.
"Caeya!"napatingin ako sa bandang kanan ng harapan ng front desk dahil sa pagtawag sa pangalan ko.I saw him waving his hands to me.Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapakaway na din at ngitian siya.
"Kanina ka pa diyan?"tanong ko dito.We walk going outside the company while his hands was on my waist.Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinabayaan ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...