Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
THREE am na ng nakarating si Caeya sa bahay nila.Agad siyang dumeretso sa kwarto niya at dun na lang nahiga.Ibinuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya.Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito at umalis siya habang may ginagawang milagro ang asawa niya.Kakaiba ito kumpara noon dahil nagawa niyang bumayahe mula Laguna pa-Maynila para lang layasan ang asawa niya.Ang one week nilang leave ay naging dalawang araw lang.Ewan niya lang sa asawa niya kung uuwi ito kaagad pero imposible yun.
Imposible namang umuwi yun kaagad para lang sundan siya.Wala na siyang dapat asahan sa asawa niya.
Napasabunot na lang si Caeya sa sarili niya dahil kahit na anong gawin niyang paglimot sa asawa niya ay hindi niya magawa.Kahit na isipin niya lahat ng kalokohan nito para lang magalit siya dito at makalimutan na ito ay hindi niya magawa.
Napaka-komplikado ng pinasok niya.Akala niya talaga ay hindi niya magugustuhan ang lalaking katulad niya pero heto siya ngayon.Umiiyak.Dahil nasasaktan na siya sa mga pinaggagagawa nito.
Napakamanhid.Sobra.
Pinabayaan na lang ni Caeya ang sarili niya na makatulog habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha niya.Umaasa siyang miski isang text man lang mula sa asawa niya ang matanggap niya,tanungin man lang kung saan siya pumunta pero wala.
Kinabukasan ay nilibang na lang ni Caeya ang sarili niya sa panonood ng iba't-ibang palabas.At sa inaasahan?Hindi talaga umuwi ang asawa niya.Siguro ay nag-eenjoy to ngayon sa bakasyon nila 'kuno'.
Baka bakasyon niya lang.
Mommy calling...
Agad inayos ni Caeya ang sarili at sinagot ang tawag ng ina niya.
"Po?"
"Gandang salubong anak ah.Kamusta na kayo ni Elijah diyan sa Laguna?"biglang nanlaki ang mga mata ni Caeya dahil sa tanong ng ina niya.Nalintikan na.
"Ayos naman.Nag-EK nga kami eh."pagsasabi niya ng totoo.Talaga namang pumunta sila ng EK at hindi niya maitatangging naging masaya siya kahit paano pero bigla na lang ulit siyang nakaramdam ng lungkot ng maalala niya ang nangyari nung gabi.
"Really?Asan na siya?Pakausap naman."
Ng dahil dun ay mas lalo siyang kinabahan.Papaano niya sasabihing wala na siya sa Laguna kasi nakita niya ang asawa niyang may kalaplapan.
"A-ah.N-naliligo mom.K-kakapasok niya lang sa banyo."pagpapalusot niya.Nananalangin siya na huwag ng magtanong pa ang mommy niya.
"Yiieeee.Hindi ba kayo sabay maligo?"
"Mom!"
"Joke lang sweetheart.O siya ba-bye na.Mamaya ka na lang mag-kwento,paalis na kasi kami.Bye baby Caeya."pamamaalam ng mommy niya sabay baba ng phone.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
Ficción GeneralWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...