Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
"ANO bang problema mo!?"singhal ni Caeya dito matapos siya nitong mahalikan.Ayaw niyang ipahalata kay Elijah na kinakabahan siya dahil baka magka-ideya ito na may nararamdaman siya para dito.Idinaan na lang niya iyon sa init ng ulo dahil na rin sa ito ang kauna-unahang pagkakataon na mahalikan siya.It was her first kiss.
"You taste better than this ice cream."he said and use Caeya's spoon to eat hers.Napalunok na lang si Caeya dahil sa ginawa nito at mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya.
Elijah sat infront of her while staring at her.He's been checking her whole face kaya hindi makapag-concentrate si Caeya sa kanyang ginagawa.Bumaba ang tingin ni Elijah sa mga mapupulang labi nito habang ginagamit ang kutsarang ginamit niya rin kanina.
"Ano!?"Caeya shouted dahil naiinis na siya sa mga titig nito.Mabuti na lang at hindi siya ice cream kasi kanina pa siyang tunaw kapag nagkataon.
Andrew calling...
Nagkatinginan ulit sila ni Elijah.Akmang uunahan na siya nito pero mabilis na nakuha ni Caeya ang cellphone kaya siya ang sumagot nun.Agad naman niya itong ini-loud speaker dahil masama ang tingin sa kanya ni Elijah.
"Hello?"bungad niya.
"Can you cover up Stacey?Hindi kasi siya makakauwi sa condo niya.Kapag tumawag si Elijah sa kanya,sasabihin niyang magkasama kayo.Kaya pag tumawag sayo,sabihin mo magkasama kayo ni Stacey."agad na nanlaki ang mga mata ni Caeya dahil sa narinig.Uutusan pa siya nito na magsinungaling eh rinig ni Elijah ang mga sinasabi niya.Kasama niya din si Elijah kaya buking pa rin sila kahit na i-cover up niya si Stacey.Hindi rin naman makakatawag si Elijah kasi sira ang phonr nito.
"O-okay."nag-aalangang sagot niya habang nakatingin kay Elijah.Agad naman niyang pinatay ang tawag at naghugas na ng kamay.Mabuti na lang at nagkabagyo dahil makakapahinga muna siya bago magsimulang pumasok ng kompanya.
"Tang-ina ka!"hiyaw ni Caeya ng maramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso ni Elijah sa bewang niya.Hindi niya alam kung bakit pinagpapawisan siya kahit na malakas naman ang ulan at malamig ang panahon.
"Your mouth Caeya.Want to kiss you again?"he said.Mas lalong nanigas mula sa kinatatayuan si Caeya ng ipatong ni Elijah ang baba nito sa mga balikat niya at nagsimulang halikan ang mga leeg niya.
"Can you pleass stop?"asik ni Caeya pero mas lalonh naging agresibo ito kaya lalo siyang nakaramdam ng kilabot.Pinagpapawisan na din siya dahil sa ginagawa nito sa kanya.
Muntikan ng ipasok ni Elijah ang mga kamay nito sa loob ng suot niya pero agad siyang mabilis na kumawala at itinulak ito.Alam niya kung ano ang kahahantungan ng eksenang yun kaya pinigilan na niya.Hindi pwede.
"What!?"he exclaimed.
"Mali to.Mahal mo si Stacey.Hindi mo dapat gawin to."litaniya ni Caeya habang nakatingin ng seryoso kay Elijah.Kahit aminado siyang gusto niya ito ay hindi niya gagawing advantage yun para gawin ang mga dapat gawin dahil sila lang ang magkasama sa condo.Dahil niloloko siya ni Stacey.Dahil niloloko siya ng mga ito.Kasi kapag ginawa niya yun?Wala na siyang pinagkaiba sa mga ito.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...