Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
"BABA!"utos ni Elijah sa asawa niya.Naguluhan naman si Caeya dahil hindi niya alam kung anong lugar ang pinuntahan nila.Ngayon lang siya nakapunta dito at wala siyang nakikitang miski isang bahay.Kakaunti din ang streelights.Talagang madilim.
"Sinabi ng baba!"singhal nito sabay hila sa mga braso ni Caeya pababa ng kotse dahilan para mapasubsob ito sa kalsada.
Tatayo na sana si Caeya ng biglang hilahin ni Elijah ang mga buhok nito dahilan para mapaiyak na lang ito sa sakit.
"Elijah!Nasasaktan ako!"she shouted pero mas lalong humigpit ang higit nito sa kanya kaya mas lalong napahiyaw ito sa sakit.Para bang inaaalis nito ang mga buhok niya mula sa pagkakakabit sa anit.
"Ano ba!?Nasasaktan ako!"palahaw nito sa sakit pero hindi siya pinakinggan ng asawa niya."Elijah."pagmamakaawa niya dito pero wala pa rin.Nanatili pa rin ito sa kanyang ginagawa.
"Anong karapatan mong manlalaki!"he shouted.
Agad pinagtatadyakan ni Elijah ang walang kalaban-laban niyang asawa.Hindi na nagawang makakilos pa ni Caeya dahil sa sakit na nararamdaman niya.Ito ang unang pagkakataon na saktan siya ng ganito ng asawa niya.Ito ang kauna-unahan.
"H-hindi ko lalaki si Andrew."nauutal nitong sabi.Pero hindi siya pinakinggan ng asawa niya at sinakal niya ito sa leeg.Napatiyad na lang si Caeya at pilit nilalabanan ang pagkakasakal sa kanya ni Elijah pero talagang malakas ito.Napahampas na lang siya mga kamay nito senyales na bitiwan siya.
"Ipaliwanag mo sa akin ang nakita ko Caeya!Kaya mo ba ako nilayasan sa Laguna ay para makipagkita sa pinsan ko!?"malakas nitong hiyaw.
Agad na nanlambot ang mga tuhod ni Caeya dahil sa narinig niya.Gustong-gusto niyang hiyawan ang asawa niya at sabihing "Hindi ko magagawang manlalaki dahil ikaw ang mahal ko!Napakamanhid mo kasi hindi mo man lang naramdaman na mahal kita.Na hindi ko alam kung bakit sa isang kagaya mo pa!".
Pero maniniwala ba'to?Syempre hindi.Ano bang karapatan niya na pakielaman ito?Anong karapatan niyang magalit?Bakit?Nagagalit ba siya kapag nakikita niya ang asawa niyang may kahalikang iba?Nagagalit ba siya kapag nakikita niya ang asawa niya na hubad sa harapan ng babae niya?Nagagalit ba siya kapag nakikita niya ang asawa niya na sinusupsop niya ang suso ng mga babae niya?Nagagalit ba siya kapag nakikita niya ang asawa niya na may nakapatong na iba?
Hindi.
Hindi niya magawang magalit kasi ano nga bang karapatan niya?Ano nga siya sa buhay nito?Ano nga bang magagawa niya?Ano nga ba sila?
"H-hindi ko lalaki ang pinsan mo.Nag-usap lang kam-Ahhhh!"hiyaw ni Caeya ng tadyakan niya ang asawa niya sa tiyan.Napahawak na lang si Caeya sa tiyan niya dahil parang umiikot ang buong kalamnan niya dahil sa ginawang iyon ng asawa niya.Napaubo na lang ito ng dugo subalit hindi iyon napansin ni Elijah dahil ang tanging nasa isip lang nito ay ang naabutan niya kani-kanina na lang.Ang yakapan ng asawa at pinsan niya.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...