Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
"ARTUR bilisan mo!"natatarantang sigaw ni Dolores habang nagmamaneho ang asawa nito at nasa kandungan niya ang walang malay na si Caeya.Nakasahod pa din sa ilong nito ang panyo ni Dolores dahil dumudugo pa rin ang ilong nito.
"Emergency!"hiyaw ni Artur at agad nagsilapitan ang mga nars sa kanila.Agad siyang dinala sa emergency room at nanatiling nakatayo ang mag-asawa sa labas nito.Kanina pa silang kinakabahan dahil wala namang lagnat ito.Wala din naman itong nababanggit sa kanila na sakit nito tapos makikita na lang nila nagdurugo na ang mga ilong.
"Kamusta na kaya si Caeya?"anas ni Dolores habang pabalik-balik ang paglalakad niya sa labas ng emergency room.
"Magiging maayos din si Caeya kaya pwede ba tigilan mo yan?Kinakabahan ako eh."reklamo ni Artur sa asawa niya kaya umupo ito sa tabi nito at niyakap.Isang buwan ding nanirahan sa kanila si Caeya at naging close na ito sa kanila.Parang anak na ang turing nila dito.Palagi silang ipinagluluto at palagi silang tinutulungan sa bukid at sa resort.
Mag-iisang oras ng nasa labas ng emergency room ang mag-asawa ng sa wakas ay lumabas na ang mga doctor.
"Parents ng pasyente?"tanong sa kanila ng doctor.Nagkatinginan pa ang mag-asawa dahil sa sinabi nito pero wala naman silang ibang choice kundi ang tumango dahil sila lang ang kasama ni Caeya.
"Ililipat na po siya ng silid.Maayos na po ang kalagayan niya.Maari niyo na po siyang puntahan.Babalik po ako dun para sabihin sa inyo ang resulta ng mga gagawing tests.Salamat po."saad ng doctor kaya napahinga ng maluwag ang mag-asawa.Akala nila ay mapapa-ICU pa ito pero mabuti na lang maayos na ang lagay nito.Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mag-asawa kaya agad nilang pinuntahan si Caeya sa silid nito.
"Caeya?"tawag ng mag-asawa dito at sinalubong sila nito ng mga ngiti.Kasalukyang inaayos ng mga nars ang higaan niya.
"Tita Dolores.Tito Artur."salubong nito.Agad namang lumapit ang mag-asawa dito.
"Ayos ka ba?May iba ka bang nararamdaman?May masakit ba sayo?"nag-aalalang tanong ni Dolores dito kaya umiling si Caeya.Sobrang laki ng pasasalamat nito dahil hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin niya ang mag-asawa.Nag-aalala.
"Sabihin kaya natin sa mga magulang mo?"suhestiyon ni Artur.Agad namang napatingin si Dolores dito at hinihinatay na sumagot.
"Huwag na po.Baka lalong magkagulo.Tsaka,maayos naman na po ako.Walang dapat ipag-alala."she answered.Wala namang nagawa ang mag-asawa kundi ang pumayag na lamang sa kagustuhan nito dahil alam din naman nila ang sitwasyon nito.Naiisip pa nga nila na baka sisihin ng mga magulang nito si Elijah.
Sa kabilang dako ay para pa ding binubugbog sa sakit si Caeya ng malamang desidido nga ang asawa niya na magpakasal kay Stacey.Ng ganung kabilis.Wala man lang tinanong.Walang hiningan ng opinyon.
Hindi niya kasi naranasan sa asawa niya na ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal siya nito.Biruin niyong proud na proud si Elijah na sabihin sa lahat na ikakasal na sila.Samantalang noon?engrande nga,pero para lang naman yata pagtakpan na fixed marriage sila.Batangas pa tapos sa resort ang reception.Limited ang bisita.
Hindi na napigilan pa ni Caeya ay maluha na lang dahil dun.Sumisikip ang dibdib niya dahil sa sakit.Inggit na inggit siya kay Stacey.Kasi siya?Dalawang mahahalagang lalaki sa buhay niya ang nagmamahal sa kanya.Dalawang lalaki ang pilit na sinisiksik sa kanya.Dalawang lalaki ang handang ibigay ang buhay na hindi man niya lang naranasan.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...