Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
"TUMAWAG ka kapag nakarating ka na sa inyo."paalala ni Dolores kay Caeya na paalis na ngayong araw para bumalik na ng Maynila.Talagang nag-utos pa ang mga ito ng driver para maihatid ng personal si Caeya sa Manila ng ligtas.Tumanggi ito pero hindi pumayag ang mag-asawa lalo na at kalalabas lang nito sa hospital.Gusto pa sana nilang ihatid ito pero may emergency meeting sila na hindi nila pwedeng libanan."Opo."tanging naisagot niya at nagsimula ng umandar ang sasakyan.Kumaway ito mula sa bintana at kitang-kita ang mga nag-iiyakang magsasaka na nakasama niya ng isang buwan.Lalong lalo na si Brian.
Lingid sa kalaaman ng mag-asawa ay dederetso sa bahay nila si Caeya pero hindi.Ibang address ang itinuro nito dahil kailangan muna niyang magpa-appoint ng CAD treatment para wala na siyang problemahin kapag bumalik na siya sa mismong bahay nila.
Sa paglayo ng bina-byahe nila ay parang tinutusok si Caeya ng milyon-milyong karayom dahil sa papalapit nila sa Manila.Nagkakalat na ang mga posters and billboards ni,
Elijah and Stacey.
Mukhang alam ng buong Pilipinas ang pagiging engage nila.Kitang-kita sa mga larawan na iyon kung gaano kasaya si Elijah.Kung gaano kalaki ang mga ngiti niya sa litratong iyon.Kung paano niya tingnan ang babaeng kasama niya.Kung paano niya yakapin ang babaeng nasa tabi niya.
Na minsang hindi niya nakita at naramdaman dito noong sila ay ikinasal.
Oo nga pala.Parehas nga lang pala silang napilitan dahil sa pangangailangan.
"Maam?Dito po?"tanong sa kanya ng driver ng ihinto ito sa tapat ng isang hotel.Naasikaso na kasi niya ang reservation dito ng palihim nung wala ang Tita Dolores niya.Ginamit niya yung kaunting kinita niya sa resort kasi naging cook din siya doon dahil magaling siyang magluto.Ito pa lang ang unang beses na gagamitin niya ulit ang card niya dahil nakabalik na siya ng Manila.Isang credit card at spare key ng bahay nila lang kasi ang laman noon ng bulsa niya nung saktan siya ni Elijah sa tabi ng kalsada at iniwan doon.
"Opo.Salamat po sa paghatid."pagpapasalamat niya.Tinulungan siya nito na magbaba ng gamit at tuluyan na ding umalis ng matapos ito.Gagabihin pa kasi ito kapag tumigil pa dahil may medyo kalayuan ang probinsya na ngayon niya lang na-realize dahil tulala siya nung mga panahon na dinala siya doon ng Tita Dolores niya.
Ng makapasok siya sa kwarto niya ay napasalampak na lang siya ng di oras.Sobrang sakit ng likod niya ng dahil sa mahabang byahe.At kahit na nakakaramdam siya ng gutom ay hindi na niya nagawang makakain pa.
Agad niyang tinawagan sina Dolores para ipaalam sa kanila na nakadating na siya sa Manila.Hindi sa bahay nila.
"Hello po?"mahinang sambit niya.
"Caeya!Mabuti nandyan ka na!"
"Asdfghjkl!"
"Lkjhgfdsa!"
"Kamusta ka na?"
"Mabuti nakarating ka na!"
"Miss ka na namin agad!"
"Manahimik kayo!"rinig niyang turan ni Artur kaya nagsitahimik ang mga magsasakang nagsabay-sabay sa pagsasalita ng tumawag siya.Iba talaga ang pagmamahal sa kanya ng mga taong yun.Wala pang isang araw siyang nawawala dun eh ganun na agad sila.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
Narrativa generaleWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...