WIIH 9

16 2 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

NANG magising si Caeya ay naramdaman niyang may mga luha pa ring pumapatak sa mukha niya.Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang mga nakita niya kagabi.At ang ma-kompirma niya na,

Mahal na nga niya ang asawa niya.Hindi niya talaga inisip na makakaramdam siya ng ganun sa asawa niya.Unang kita niya palang dito ay talagang nainis na siya dito.

He's smirking at her when they first met.Mukhang babaero.Magulo ang buhok at mukhang may hangover pa.Mukhang galing pa nga ito sa pakikipag-sex dahil kitang-kita pa sa leeg nito ang ilang mga kagat at hickeys.Alangan namang galing sa lalaki yun?

Hindi niya inakalang magkakagusto siya sa isang womanizer at jerk na asawa niya.Na asawa niya sa papel lang.Na may iba't-ibang babae araw-araw.Na may kahalikang iba araw-araw.Na may kalaplapan araw-araw.At may kasakayan araw-araw.Ano nga bang nakita niya sa asawa niya at bakit niya ito nagustuhan?Bakit da dinami-dami ng matitinong lalaki sa mundo ay dito pa siya nagkagusto?

Pinilit ni Caeya na bumangon at magluto ng agahan.May pasok pa siya sa trabaho at ayaw na ayaw niyang matatarahan ang attendance niya.Kahit pa isa siya sa dalawang CEOs ng kompanya ay ayaw naman niyang abusuhin iyon.Baka gayahin siya ng mga empleyado nila.

Nagpractice muna ito ng pag-ngiti.When she already satisfied to it,she go downstairs at dumeretso na ito sa kusina.Kagaya ng nakasanayan ay inagahan niya ang gising para hindi sila magpang-abot ng asawa niya.Sigurado naman siyang papasok na ito dahil wala na itong sakit.Nakipag-kantutan na nga agad ito kagabi eh.At sa labas pa ng bahay.

"Can you help me tying my necktie?"nanlamig ang mga kamay niya habang nakahawak sa pinggan na inihahanda niya ng magsalita ang asawa niya sa likuran niya.

Dahan dahan siyang lumingon at inilapag ang pinggan sa mesa habang iniiwasan niyang mapatingin sa mga mata nito.Baka lalo siyang mahulog dito kahit na hindi naman siya nito sasaluhin.Tsaka magdi-divorce rin naman sila kaya mas magandang pigilin na lang niya kung ano man ang nararamdaman niya sa asawa niya.

Lumapit si Caeya sa asawa niya at itinali ang necktie nito.Amoy na amoy niya ang pabango nito dahilan kung bakit kumalabog na naman ng malakas ang dibdib niya.Ramdam niyang nakatingin sa kanya ang asawa niya pero agad niyang binilisan para makaalis na siya.Gusto niya pa mga sanang higpitan yung necktie pero sayang naman kung mawawala sa mundo ang isang Maverick Elijah De Vera.Kasalukuyan niyang asawa sa paperl.Ng matapos siya ay walang lingunang umalis na kahit na rinig na rinig niya ang pagtawag ng asawa niya dito.

Huminga siya ng malalim at nagmaneho na papunta ng opisina.Sinalubong siya ng mga ngiti ng mga ka-trabaho kaya ginantihan niya ito.Bagsak ang balikat niya ng makadating sa opisina nila.Naalala na naman niya ang ilang mga milagrong ginawa ng asawa niya dito,sa iba't-ibang babae.

Napatingin siya ng dumating ito at umupo na sa upuan niya na katapat ng sa kanya.Agad ibinaling ni Caeya ang atensyon niya sa laptop at nagsimulang magtipa.Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang asawa niya at baka kung ano ang isipin nito.At baka malaman pa nito kung anong nararamdaman niya para dito.

"Hi sir!"napatingin si Caeya ng pumasok sa opisina nila ang ika-limang bagong sekretarya ng asawa niya.Sa tuwing may nangyayari sa loob ng opisina ay matic na may bagong sekretaryang papalit.Hanga nga ito sa kompanyang ito at napakarami naman nilang pamalit.Hindi ba sila nauubusan ng reserba?

What If It Hurts? (What If Duology #1) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon