Pag ka pasok ko sa aming bahay, bumaba si Moms mula sa hagdan.. Nakangiti abot tenga.
"Hmnn.. Moms! Lakas maka ngiti!"
"Hay nako halika ka nga dito!"
Niyakap ako ng mahigpit ni Moms. Damang dama ko ang kasiyahan nya pero bigla kong naramdaman ang bigat ng dinaramdam nya. Umalis sya sa pag kaka yakap sakin, hinawakan ang aking mga braso at kinausap nya ako..
"Nak, masayang masaya ako na nakita mo na ang lalaking hinahanap mo. Si Kurt, isa syang mabait, magalang at matalinong bata. Tahimik ang loob ko at alam kong safe ka sakanya. Sana ay alagaan ka nya at mahalin. Tandaan mo Nak huh? Kahit ano mang pag subok ang pag daanan nyo, subukan nyong ayusin. Sana sayo mapunta ang swerteng nawala sakin sa pag-ibig.. I'm happy for you Brook."
"Moms naman ih.."
Muli kong niyakap ang aking nanay. Alam ko na si Dads ang tinutukoy nya sa "swerteng nawala" sakanya. Hay. Sana nga. Sana nga ganun si Kurt. Sana nga happy ending kami..
------------
Kinabukasan, ang aga akong sinundo ni Kurt. Pupunta kami sakanila para mag lunch at para sabihin na rin sa parents nya ang totoo. Kumain kami sa bahay nila at tuwang tuwa ang mga magulang nyang malaman na finally, official na ang relasyon namin ni Kurt. Mga 3 pm, nag decide kaming mag mall ni Kurt. Official first date ba.
"Brook, we are so grateful na ikaw ang naging girlfriend ng anak namin. We can never thank God for bringing you to him. Salamat dahil pinagaan mo ang buhay ng anak namin. You gave him new hope. Salamat talga.."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan galing yung part na pinag dadaanan at new hope. Pero bago pa man ako dumating sa kahit anong konklusyon at tinawag na ako ni Kurt. Nag paalam kami sa parents nya at sumakay sa kotse. Wala kaming ibang ginawa ni Kurt kundi mag kwentuhan sa loob ng kotse at kumanta ng kumanta habang sinasabayan ang radio. Laking gulat namin ng biglang tumugtog ang "Destiny". Nag ka tinginan nalang kami at napangiti. Tahimik kaming nakinig sa kanta. Pag katapos nun..
"I love you, Brook."
"I love you more, Kurt."
----------------------------------
Pag dating sa mall, sa cinema agad kami pumunta. Bumili kami ng tickets at nanuod ng movie. Ang saya saya ko dahil hindi sya yung tipong mga oprtunista na mapapanuod sa movies. Yung aakbayan ka. Tapos ang motibo lang e maka score sayo. Sa totoo lang, natakot ako ng sinabi nyang gusto nya mag movie. Nag ipon-ipon na kasi sa utak ko yung mga eksena ng mga ganung lalaki. Pero, he was such a gentleman. Halos di nya nga ako hawakan taking into consideration na nag hug na kami at holding hands. Mas respeto pa ang pinapakita nya sakin ngayon kesa nuon. Enjoy na enjoy namin ang movie. After, nag decide kami mag arcade. Nag laro kami ng Dance Revo. Nag basketball din kami. Ang galing ni Kurt. Dami nyang na shoot. Halos lahat ata ng laro sa arcade nalaro namin. Nakaipon din kami ng ticket at ni-redeem namin ang isang maliit na heart shaped stuffed toy. Kiniss nya yun at kiniss ko din. We both decided to take things slow and not rush into things. Nag snack din kami ni Kurt kung saan kami unang nagka harap para kumain.
Buong araw na kaming magkasama pero parang ang bilis bilis pa din ng oras para saamin. Late na kasi at we needed to go back home na.
"CR muna ako ok?"
"Oh sige."
Kinikilig kilig pakong pumasok sa CR. Wagas ang pag papasalamat ko at ibingay saakin si Kurt. Sinampal sampal ko pa sarili ko sa salamin. Jusko! Hindi nga panaginip ito! Pagka labas ko ng CR, hinanap ko si Kurt.
"Hmnn.. Asan na kaya yon?"
Laking gulat ko ng may tumakip sa mata ko.
"Hoy. Sino ka? Bastos ka hoy!"
Sinumulan ko siko-sikuhin ang kung sino man tong tinakpan ang mga mata ko. Maya maya pa nga'y tumawa na sya. Hmn.. Kilala ko tong tawang to ah.
"Hi!"
Loko talga to si Kurt. Napangiti ako ng nakita ko sya.
"Sorry. Nasaktan ka ba?"
"No, okay lang ako. Haha. Grabe ang bangis mo naman."
"Sorry. Self defence? I told you before diba."
"Oo nga pala."
"Eh san ka ba kasi ng galing? Dami mo pang nalalaman."
"Dyan lang. I just wanted to give you this.."
Binigay sakin ni Kurt ang isang maliit paper bag.
"Ano to?"
"Wala. Something to remind you of me.."
Binuksan ko ang paper bag..
"Oh my god, Kurt.."
--------------------------------------------
Ano kaya ang laman ng paper bag na yon? Abangan!
Sorry for the super late update. Naging busy lang ako ng mga nakaraang araw. Pero I'll keep the story updated na ulit :) HAPPY 2013!
@shestrish / @shestrishmrm
BINABASA MO ANG
Love Shades : FATE
RomanceSa mundo na puro akala, may dalawang pusong mag mamahalan. Ngunit, mapaglalaruan ng tadhana at mabibiktima ng pagkakataon. Akala mo okay na, hindi pala. Akala mo perfect na, sablay pala. Akala mo puro lang saya, masasaktan ka din pala.. ...