Bumagsak si Kurt sa sahig. Kasunod nyang bumagsak ang balisong na hawak ng magnanakaw. Maya maya pa ay humandusay ang magnanakaw sa sahig. May tama sya ng bala sa kamay at sa tagiliran.
Natulala ako sa ngyre. Tila tumigil ang oras. Naalala ko si Kurt. Tumakbo ako papalapit sakanya. Inihagis ko ang baril sa sofa at nilapitan ko si Kurt ..
"Kurt! Kurt! Kurt gumising ka! Kurt!!!"
Humahagulhol ako sa kakaiyak. Ginigising lo si Kurt. At bumukas na din ang mata nya..
"Boo, ahh.. Nasaktan ka ba?"
Hirap si Kurt mag salita.
"Ok lang ako. May saksak ka.."
"Ok lang ako.."
"Tumatagas ang dugo.."
Finirst aid ko si Kurt. Tinalian ko ng telang mula sa damit ko ang sugat nya..
"Kurt. Huy. Wag kang pumikit. Wag ka bumitaw.."
"Sabay tayong nangako na hindi tayo mag iiwan.."
"Kuuurt!"
Pumikit si Kurt at hindi na normal ang heartbeat nya. Maya maya dumating ang mga pulis. Dumating ang ambulansya. Kinuha nila si Kurt at dinala namin sya sa ospital..
"Ma'am ok lang ho ba kayo?"
Tanong sakin ng pulis na sumama samin sa ospital.
"Opo Sir."
"Mabuti nalang at marunong kayo bumaril. Notorious po ang nag nakaw sainyo. Lider sya ng mga sindikatong namamasok ng mga bahay ngayon. Salamat sa tulong nyo. "
"Masaya ho ako at natulungan ko kayo. Ano na po pala ang gagawin sakanya?"
"Kasalukuyan po syang ginagamot. Kukunin po namin kayo bilang testigo kung ipag papahintulot nyo ho."
"Sige Sir. Wala pong problema."
H
"Salamat po. Aabisuhan nalang po namin kayo. Mauna na po muna ako.."
Ito ako. Mag isa. Puno ng dugo mula sa saksak ni Kurt. Hindi ako maka paniwala sa ngyayari. Umiiyak nalang ako dahil di ko na alam ang dapat gawin.. Nag hahantay ako sa sasabihin ng doktor.. Dumating si Moms at patakbo syang lumapit.
"Anak! Anak, ok ka lang? Ngayon ko lang nalaman pag uwi ko sa bahay ang daming pulis. Kumusta si Kurt anak? Nasaktan ka ba?"
"Moms relax. Ok lang po ako. Pero si Kurt.. Moms si Kurt.."
Niyakap ako ni Moms. At mas lalo na akong umiyak. Si Kurt. Ang taong pinakamamahal ko.. Nasa panganib ang buhay.. Ng dahil saakin..
------------------------------------------------
Sana maging okay na si Kurt. Ano na kaya mangyayari sa ating mga bida?
Twitter: @shestrish / @shestrishmrm
BINABASA MO ANG
Love Shades : FATE
RomanceSa mundo na puro akala, may dalawang pusong mag mamahalan. Ngunit, mapaglalaruan ng tadhana at mabibiktima ng pagkakataon. Akala mo okay na, hindi pala. Akala mo perfect na, sablay pala. Akala mo puro lang saya, masasaktan ka din pala.. ...