"Oh my god, Kurt.. Wow. This is.. Beautiful.. Yet.. Too much!"
Tulad ng dati, isang maliit na kahon ang nasa loob ng paper bag. Isang charm ang nasa loob nito. Clapperboard charm. Kinuha nya ang kamay ko kung nasaan ang charm bracelet na binigay nya sakin.
"Ito clapperboard. Para matandaan mo lagi na the only action I will do in my life is to love you and I will do everything not to cut our story. Saka para na rin maalala mo ang first movie date natin."
"Ikaw talaga. Alam mo konti nalang mag mumukha ng Christmas Tree kamay ko."
"Huh? Bakit naman?"
"Eh ang dami ng palawit oh! Haha!"
"So ayaw mo na nito?"
"Hindi. Ito di na mabiro. I'm just happy. Kasi parang lahat ng memories natin naipon lahat dito sa bracelet. Thanks Boo."
"You're welcome my Princess."
Hinalikan ni Kurt ang kamay ko. Haay. It's good to love and to be loved in return. Unang official date palang namin to as lovers pero sagad na sa sweetness ito si Kurt ko. Uy. Kurt KO. May KO. Talaga lang. Ayaw kong may kaagaw sakanya. Pero teka jusko ang layo na! Ang saya na alam kong akin na sya. Na may karapatan nako sakanya. Sana hindi na to mag bago..
--------------------
Pumasok kami ni Kurt pag dating ng Lunes ng sabay tulad ng lagi, ngayon nga lang, naka holding hands na kami. Hindi naman kasi masyadong strict ang PDA sa school namin. Slight PDA lang naman to. Nag tatawanan kaming nag kwentuhan hanggang ng malapit na kami sa room..
"What in the world is happening in here? Oh my gulay, tutong na tinapay! Bakit? Bakit? Bakit nyo ako niloko. Mga taksil! Ano ito? Ano ang pang yayaring ito? I need an explanation! 1 whole sheet, back to back..of Manila Paper!"
Minsan talga may sa OA tong baklang to..
"Hoy Beauty. Maka react. Nagka relasyon kayo ni Kurt? Yung totoo ano tong eskandalong to? Exgerada. Tuktukan kita dyan eh."
"Ito naman. Umeechos lang. So kumusta mga love birds? Nag tutukaan na ba kayo? Haha!"
"Mga love birds? Ako magiging member na ng Angry Birds sa kaka dada mo at sigurado akong bull's eye ka saking Green Pig ka. Ang baboy mo! Green minded ka!"
"Ay makapag react. Madonna? Like A Virgin? Saang banda? Ambisyosa!"
"Ikaw Dominador wag moko gagayahin sayo huh! Bruha ka!"
"Hoy, hoy teka tama na nga yan. Kayong dalawa di ko alam kung mag bestfriends ba talaga kayo o may lihim kayo na galit sa isa't isa eh. Awat na sa bangayan. Tara na nga pumasok. Dadating na yun si Sir. Mga imbyerna!"
"Ay! Bumigay si Ateng. Kabog!"
Ano ba naman to si Beauty. Ganda ganda na ng mood ko sisirain pa. Pero, kiss? Handa na ba ako dun? Saka si Kurt. I'm sure may first kiss na sya. Maiintindihan nya kaya ako kung hindi ko agad-agad maibibigay sakanya yun? Hihingin ba nya? Wait. I'm over thinking. Wala pa kaming isang linggo dun agad? Saka marespeto si Kurt. Alam kong wala syang gagawin na hindi ko magugustuhan.
-----------------------
"Brook. Mall tayo. Isama mo si Beauty baka mag tampo na satin yun."
"Oh sige. Ay ayun oh! Tawagin natin. BEAUTY!"
Sino na naman kaya kausap nito? Harot talaga.
"Bakla sandali!"
"Bilis!"
"Oh anong atin?"
"Mall tayong tatlo nila Kurt. Meryenda lang tapos chill ng onti then uwi na rin."
"Ay Teh. Pass muna ako. May date akembag. May new akong papabols. Yumminess sya! Mag de-date din kami sa mall. Baka mag kita nalang tayo dun okay? Sya sige na mag enjoy kayong dalawa. Mag eenjoy din ako today! Babush!"
"Kadiri ka. Hoy wag kang humarot masyado. Baka perahan ka nyan. Mag tino ka Dominador."
"Che! Humarot ka nalang dyan sa jowa mo. And it's Beauty my dear!"
"Haha. Si Beauty talaga kahit kailan. Lalakero. Oh tara na Brook?"
"Hindi na talaga mag babago yan. Haha! Tara na nga!"
-----------------------------------------
Tumambay kami sa mall ni Kurt. Nag coffee kami at umuwi na rin dahil may school pa kinabukasan. Nag agree kami na gawin to every after class araw-araw. Kung baga, bonding time. Napag usapan din namin na sa school, we should be classmates. Aral kung aral. Kasi syempre, malaking responsabilidad ang kasabay ng relasyon naming ito. Dapat ma maintain namin yung good grades namin dalawa para narin sa mga magulang namin at para rin sa future namin.
Simula ng naging kami ni Kurt, halos lahat na ng activities ginagawa namin together. Minsan, nag pipicnic din kami kasama ang pamilya namin. Di na nga namin namalayan ang panahon at halos mag iisang bwan na pala ang relasyon namin ni Kurt. Masayang masaya kami sa kung ano mang meron kami. Kahit na minsan may mga hindi kami napag kakaunawaan, naayus naman namin lahat yun at na overcome namin lahat ng differences naming dalawa. Simula pa lang to ng masayang pag sasama namin ni Kurt. Wala nakong mahihiling pa. I have a happy life. Lalo na at andito si Kurt sa tabi ko. Ngayon, alam ko na ang totoong meaning ng HAPPINESS.
---------------------------------------------
Aww. Perfect couple talaga sila no? Kakaloka lang tong si Beauty. Masyadong harurot sa mga pang yayari! Agad-agad? Haha! Anyway, sinipag ako ngayon mag sulat. At, abangan nyo dahil malapit na malapit na ang malaking pasabog!
Opinions? Suggestions? Follow and tweet me: @shestrish / @shestrishmrm
BINABASA MO ANG
Love Shades : FATE
RomanceSa mundo na puro akala, may dalawang pusong mag mamahalan. Ngunit, mapaglalaruan ng tadhana at mabibiktima ng pagkakataon. Akala mo okay na, hindi pala. Akala mo perfect na, sablay pala. Akala mo puro lang saya, masasaktan ka din pala.. ...