The Big Reveal

14 0 0
                                    

Laking gulat ko sa aking nakita. Isang mesa sa gitna ng napakalawak na space na napapalibutan pabilog ng mga bushes. Mga ilang hakbang palayo sa mesa ay may isang maliit na gazebo. Kulay puti ito at napapalibutan ang 4 nyang mga poste ng mga gold na tela. Puno rin ito ng Christmas lights at iba't iba pang palamuti. May isang lalaki namang tumutugtog ng isang romantic tune gamit ang kanyang violin. Dahan dahan akong nag lakad papa lapit sa kung nasaan ang gazebo at sa laking gulat ko, mula sa isa sa mga poste lumabas ang isang lalaking naka tuxedo. May hawak itong isang long stemed red rose at nakaguhit ang isang di matatawarang ngiti sa kanyang labi..

"Kurt..Ano to?"

Takang taka akong nag tanong kay Kurt. Ngunit hindi nya ako sinagot. Lumapit sya saakin at kinuha ang aking kamay. Inalalayan nya ako. Inakyat namin ang 4 na hakbang ng gazebo at tumigil kami sa gitna nito. Kasabay ng pag hinto namin ang pag hinto ng violin. Tahimik pa rin si Kurt at tanging ang kanyang ngiti lamang ang aking nakikita. Inabot nya sakin ang red rose na kanyang hawak at kasabay nun ay ang pag tugtog ni kuyang may violin ng Destiny ni Jim Brickman. Mas lumaki ang mga ngiti sa labi ni Kurt. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. Nag titigan kami ng kay tagal. Para bang ilang taon na ang lumipas sa oras na iyon. Humigpit pa ang hawak ni Kurt sa kamay ko. Maya maya pa ay binitawan nya ako at hinawakan nya ang pisngi ko..

"Brooklyn you're my destiny. You and I were meant to be. With all my heart and soul, I give my love to have and hold. And as far as I can see,  you were always meant to be my destiny.."

Tumulo ang luha ko sa pagsabay ni Kurt sa tugtog ng violin. His sweet, sweet voice. Parang bulong ng anghel sa aking mga tenga. Halong saya, kaba, at pagtataka ang namuo sa puso ko. Pero higit sa lahat, ang pag mamahal na dati ng naroroon ay mas lalo pang lumalaki, lumalakas..

Speechless pa rin ako at umiiyak na tumatawa. Baliw-baliwan lang ang peg ko. May kinuha si Kurt sa kanyang bulsa.  Isang maliit na kahon. Kinuha nya ang kamay kung nasaan ang charm bracelet na dating binigay nya saakin. Binuksan nya ang kahon at nakita ko dun ang isang green swarovski rose charm, isang mini gazebo at isang Chinese symbol na hindi ko maintindihan..Isa isa nyang ikinabit ang mga charms..

"Gazebo, para matandaan mo tong araw na to; Chinese symbol of Destiny at lastly, Green Rose.."

"Green rose? Para saan?.."

"Green rose. For eternal love."

Napa nga-nga ako sa sinabi ni Kurt. Anong ibig sabihin nya? 

Maya maya pa nga ay dahan dahang lumuhod si Kurt sa aking harapan. Muli nyang hinawakan ang aking kamay. Nanalalamig si Kurt at halatang kinakabahan ngunit nakikita ko ang saya sa kanyang mga mata. Naka luhod na si Kurt sa aking harapan. Di ko alam ang aking nararamdaman. Yumuko si Kurt at ng bumalik ang kanyang titig sa aking mga mata..

"Brooklyn Skye Fernandez, you take my heart away. Will you keep it next to you, eternaly?"

Nanlaki ang aking mga mata. Tumigil ang aking mundo sa oras na yon. Mas tumulo pa ang mga luha sa aking mga mata. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa sinabi ni Kurt..

"Eternaly."

Yan. Yan ang sinagot ko kay Kurt. Tumayo sya at halos napatalon sabay niyakap nya ako. Niyakap ko din ng sobrang higpit si Kurt. 

"Thanks Brook. Right from the moment I saw you I knew you were special. Destiny brought us together. Ironic noh? Pero hindi na yun mahalaga. I love you, Brook.."

"I love you too, Kurt. You don't know kung gaano ako kasaya ngayon.."

Perfect day for me. Ang saya saya ko at si Kurt ay ganun din. Isinayaw ako ni Kurt sa tugtog ng violin. Para kaming mga batang kilig na kilig. Di nag tagal ay tumungo na rin kami sa table kung asan may naka prepare na candlelit dinner. Masaya kaming kumain at nag kwentuhan. 

"Brook ako na ang pinaka swerte at pinaka masayang tao sa mundong ito.Salamat talaga."

"Well, ngayon, dalawa na tayo"

Patuloy pa rin ang kwentuhan namin hanggang sa nag decide na rin kaming umuwe dahil late na. Drinive ako ni Kurt pauwi sa bahay at pinapasok ko sya upang pormal na ipakilala bilang boyfriend ko kay Moms. Laking gulat ko na alam pala ni Moms ang planong ito ni Kurt. Nag goodnight kami sa isa't isa at he gave me a hug goodbye..

"Sleep well my angel. Thanks for tonight. I will keep you eternaly, ok?"

"Thanks to you Kurt. Good night. Text me pag nasa inyo ka na. Eternaly, it's a promise."

Umalis na si Kurt at ang saya ko pa din. Nag text pa kami sa isa't isa hanggang 3am saka na kami natulog. Ang haba ng araw na to para sakin. Pero pinaka special din. Muli kong tinignan ang new charms sa charm bracelet ko. Ang saya ko talaga. Swerteng swerte ako to have him. Now that it's official mas gumaan na ang lahat saakin. I know he's mine and I'm his. Ang bait sakin ng Destiny. 

----------------------------------------------

Yun yon eh! Etong si Papa Kurt love nya talaga pala si Brook ngayon lang sinabi! At in fairness, A for effort ang proposal nya huh. Sobrang saya na ng ating mga love birds. Perfect match na nga ba ito? Hopefully :)

Merry Christmas to everyone! <3

Twitter: @shestrish / @shestrishmrm

Love Shades : FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon