Presenting MR. Yabang

69 0 0
                                    

"Okay class.."

Ay sakto! Di ako nakita ni Ma'am!

"Brook late ka na naman!" Wika ni Beauty, lalaki sya. Ng pinanganak. best friend ko. 

"Nakatulog ako teh! Di ko napansin oras. Buti nga ginising ako ni Moms"

"Sabagay. Buti ng late kesa bangkay. Haha"

"Baliw!"

"Ms. Brooklyn Fernandez and Mr. Dominador Santos, baka gusto nyong makinig?" 

"Ma'am Beauty po!" 

"Mr. Dominador I'm not joking. "

"Manahimik ka nalan kasi" bulong ko kay Beauty. 

"Sorry Ma'am we won't interrupt again" 

Haay. First subject pa lang boundary na ang araw na to. Ano ba yan! Ganun ba ako kamalas tlga? 

PUMUNTA KAMI SA mall ni Beauty. Ang daming tao. Siksikan sa food court at food chains kaya 1 hr pa kami nag intay bago makakain. Diba grabe na? I haaate this day!!

"Huy friend. Malayo pa Semana Santa, Byernes Santo na muka mo. Ayan oh, mag kamukha na kayo ng isda dyan sa plato." 

"Dominador manahimik ka nga. Wala ako sa mood huh. Malas malas na araw ko.."

"Ayan. Nako. Sabi na. Kulang ka lang sa uhm.."

"Anong uhm?"

"Uhmm.."

"Uhmm?"

"Sa.."

"Aay! Freeze! Ayaw ko marinig yan. Baklang to ang harot mo!"

"Exaherada. Ano pinag iisip mo? Sa UHMcolate naman sasabihin ko.."

"UHMcolate? Huh? Talaga lang huh?  Tama na huh? Last mo na yan.. Ewan sayo. Tara na nga! Lakad lakad tayo baka makasungkit man lang ako ng swerte.."

Naglakad kami ni Beauty. Halos mabiyak na ang heels ko. Pero ok lang. Sakit na ng tsyan ko sa baklitang ito. Kahit ang gulo nito at baluktot ang pag iisip mahal na mahal ko to..

"Araaay! Ano ba?"

Loko to ah. Bulag bulag? Ang laki ng daan nambabangga! 

"Sorry, miss di ko nakita"

"Anong dimo nakita? Bulag ka ba? Manyakis ka noh? Manyaak!"

Yabang nito. 

"Excuse me miss. Unang una hindi ako manyakis. At pangalawa, hindi ka papasa sa tipo kong babae."

What the..? 

"Yabang mo ah. Kala mo kung sino kang gwapo!"

"Gwapo naman talaga ako.." 

Bitaw ng mayabang na mokong na to. Sabay ngiting aso. 

"Kapal mo ah!"

"Oops. Tama na tama na! Kuya, sige ako nalang. Ako nalang banggain mo!"

Sabi ni Beauty. Ito talagang taong to jusko po. 

"Haha. Buti ka pa mabait. Itong kasama mo mapait pa sa ampalaya.."

"Anong..?"

"Hi ako nga pala si Kurt. And you are?"

Pag singit nitong mayabang na to. 

"Brooklyn."

"Uhm I'm not asking yours. Sya ang tinatanong ko.." 

As in? Ang yabang talaga! OMG. Grabe! Habagat to. 

"Teh, ako daw. Hey. Eym Beauty. Hehe"

Dominadoooor! Napahiya na ako pa cute ka pa dyan? Whuuuut?

"Hi Beauty. And it was nice meeting you though, Brooklyn."

Ngumiti pa. Infareness. Cute pala sya. Brown ang mata. Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. And he has a very catching smile..

"Huy teh! Makangiti naman. Bayad?"

Oh my gosh! Nakangiti na pala ako. 

"Huh? Hindi noh.."

Hindi. Hindi. Hindi! Oh my. Sana di nya nakita.. Dominador patay ka sakin isiniwalat mo pa!

"It's ok Brook. I like your smile too."

Ng aasar tlga?

"I don't really care. Tara na Beauty! BV tong taong to.."

"Wait maya na teh. Kurt wanna join us?"

"Beauty ano ba!"

Sabay hila ko kay Beauty. Hindi na kami nakapg paalam ng maayos kay Kurt. Parang kitikiti tong kasama ko. Kilig na kilig dun kay Kurt. Wait lang. Why am I calling him Kurt? Dun pala sa mayabang..

"Urgh ! Nakaka asar sya! He's so arrogant. BV tlga!"

"Arrogant. Napahiya ka lang. Not to mention, nganga ka teh. Nganga! Haha"

Asar ni Beauty sakin. 

"Hindi noh! Imbento much!"

"Hoy. I saw what I saw. Nakita nya den yun. Teh next time iwasan huh? Kulang nalang laway mukha ka ng Yorkshire.. Haha"

"Ewan sayo! Manahimik ka nalang nga. Ng aasar ka pa!"

"Kurt and Brooklyn sitting in a tree.."

"Pag tinuloy mo yan kakalbuhin kita!!"

"Hmn hmn hmn hmn hmn hmn hmn.. Haha! Brook, honey, relax! Defensive ka eh."

"Defensive? Anong..!!"

Buong maghapon akong inasar ni Beauty kay Mr. Yabang. Nakaka asar talaga. Not to the point na nakaka galit. Instead, it makes me feel guilty. Kasi, oo. Totoo. I was left open mouthed in his presence. Diko alam kung bakit. Pero wala. Na cucutetan lang ako sakanya. Saka hindi ko na rin sya makikita.. Kaya no use na.. Hmnn.. Or maybe mag kikita pa kami.. Pero mas probably not.. Teka teka teka! Bakit ganto? Bat parang nalulungkot ako? Erase erase erase! It cannot be.. Or can it be? Oh my..

--------------------------------------------------------------------------------

Hala. May crush na si Brook! Sino kaya itong preskong guy at ano kaya ang magiging papel nya sa buhay ng ating bida? Abangan :)

Twitter: @shestrish / @shestrishmrm

Love Shades : FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon