*buzz*
"Ano ba yan. Aga aga may nag text agad? Sabado teh. Sana nag papatulog. Sigurado si Beauty na naman to.."
"Hi Brook. Good morning :) Napa aga ba masyado txt ko? Sorry huh. Ok lang ba na hiningi ko number mo kay Beauty? - Kurt"
OMG. Si Kurt! Reply? Or not?
"Oh. Uhm wala na ata ako magagawa nasayo na eh."
Send. Hmn.
*buzz*
"Alam mo, ang ganda mo mag taray. Pero cute ka pag nangiti :)"
Maganda? Cute? Ansaveeeeeh?
"Ah ganon? So? Ano ngayon?"
*buzz*
"Ngayon, maligo ka na at mag bihis. Mamaya, daanan kita sainyo. Alam ko na bahay nyo. Malapit ka lang pala saamin. Bilisan mo ah? :)"
"Demanding? Stalker ka ba? At bakit naman dapat akong sumama sayo?"
Nakikipag date? No. Assuming ka.
*buzz*
"Stalker? Nope. Nagkataon lang kahapon may pinuntahan kami ni Mama sa subdivision nyo. Tapos nakita kita papasok sa bahay nyo. At oo kailangan moko samahan unless gusto mo magka demerit :D"
"Demerit? Hindi school day ngayon noh!"
Ayos din tong taong to ah.
*buzz*
"Well, sige. Samahan mo nalang ako. Mag reregalo kasi ako sa Mama ko and I don't know what to buy her. Pls. Utang ko to sayo"
Hmn. Ano ba? Hmn...
"Sige. Sagot mo na breakfast ko. Pati lunch"
*buzz*
"Kahit dinner pa! :)"
"Haha! Yabang mo. Gawin mo. 10am. Mag doorbell ka nalang."
*buzz*
"Yes Ma'am! See you in an hour :))"
Hay. Baliw tlaga ako. Pero andyan na. Go fight Brook!
..
*dingdong dingdong*
"Andyan na!"
Blouse? Check. Shorts? Perfect. Doll shoes? Clean. Bag? In place. Lipgloss? I'm ready.
"Wow."
"Ano?"
"Mukha kang tao. Haha"
"Hehe. K. Not funny."
"Haha. Ito naman! Binibiro lang. You look lovely today, Ms. Brooklyn Skye Fernandez."
Alam nya cp number ko. Alam nya address ko. Alam nya din full name ko? Waaaa!
"Lovely AS EVER, Mr. Tuason."
"I stand corrected. O sige sakay ka na."
Wooow! Ang ganda ng kotse ni Kurt!
"Oh my. Ganda ng kotse mo."
"Salamat. Si Borgie."
"Borgie?"
"My car."
"Haha! Ang ganda ng kotse tapos ang bantot ng pangalan? Haha!"
"Haha. Not funny."
Ginaya pa ang boses ko. Nako! Pero infairness huh. Mukhang ayos to si Kurt.. Interesting..
--------------------------------------------------------------------
Two hearts getting closer. Saan kaya dadako ang pag kakaibigang ito?
Twitter: @shestrish / @shestrishmrm
BINABASA MO ANG
Love Shades : FATE
RomanceSa mundo na puro akala, may dalawang pusong mag mamahalan. Ngunit, mapaglalaruan ng tadhana at mabibiktima ng pagkakataon. Akala mo okay na, hindi pala. Akala mo perfect na, sablay pala. Akala mo puro lang saya, masasaktan ka din pala.. ...