Lumipas ang mga araw at mas nagiging sweet na sakin si Kurt. Mas lalo naman akong nahuhulog sakanya. Oo alam ko mali. Kasi baka sa huli ako lang masaktan pero, mahal ko na sya eh. Wala na akong magawa. Andyan na eh. Wala na. Mahal ko na talaga..
Maaga akong nagising ngayon. Himala. Ni isang text wala si Kurt. Kagabi 7pm pa ang huling txt nya saakin. Weird. Ano na kaya ngyre dun?
"Huy! Tao ka pa? Lakas maka dedma! Walang load? Walang signal? Tulog? Sira CP? Paramdam ka naman :("
Asan na kaya yun? Lakas magpa miss ah.
*ring,ring*
Yung phone! Baka si Kurt!
"Teh! Tara labas tayo. Imbyerna ako dito sa bahay. Ang jenet jenet! Tara mag mall!"
Ay sus ko po. Si Beauty lang pala.
"Ahh. Ehh. Ano. Ewan."
"Hmn. Bakit? Wala pa rin txt si Fafa Kurt? Hay nako. Imbis na mag emote ka dyan. Rumampa nalang tayo. Dali! Mag bihis ka. Yung maayus huh. Sunduin kita dyan. In 20 mins andyan nako. Babush!"
*toot,toot*
Bruha talaga yun. Babaan daw ba ako ng telepono. Hay. Ano pa nga ba? No choice naman na ako. Kakaladkarin din ako nito. Makapag bihis na nga lang..
Narinig ko si Beauty sa baba ng bahay makaraan ang 20 mins.
"Baklaaaa! Bumaba ka na dyan!"
"Oo na eto na eto na!"
"Ay teh! Ang chaka mo. San punta? Divisoria? Sabing mall hindi tiangge! Halika nga.
Pinag skirt ako at blouse ni Beauty. Wala naman akong mapalag dahil alam kong hindi ako lulusot sa taong to. Pumara kami ng tricycle at nag tungo sa aming pupuntahan.
"Huy. Ibang daan naman to ah. Baka may gawin satin tong driver tara baba na tayo huy!"
"Brook relax. Bagong daan to. Alam ko to akong bahala sayo."
Kinakabahn ako dahil alam kong iba ang daan patungo sa mall. Eh sa other way kami dumaan. Nako po! Baka ano gawin samin ng driver.
"Teh. Relax lang ok? Just trust me."
Piniringan ako ni Beauty. Sabay huminto ang tricycle. Hindi ko alam bakit di na ako naka galaw at para nalang akon nahipnotize na sumunod kay Beauty. Naglakad kami. Naramdaman ko may grass may bato. Daming pasikot sikot. Sa wakas, huminto kami. Niyakap ako ni Beauty. Sabay tanggal ng piring.
"Goodluck! Pumasok ka lang dyan."
Tinuro nya ang isang pinto. Natatakpakn kami ng malalaking puno. At sa aking harapan bumungad ang isang pintong gawa sa 5 tabla ng kahoy na pinag tagpi tagpi at isang bronze na door knob. Sa tabi nya ay mga bushes na sing tangkad ng pinto. Umalis si Beauty at dahan dahan akong lumapit sa pinto. Binuksan ko ito at...
---------------
And what is the meaning of this? Ano kaya ang nag hahantay sa likod ng pinto? At bilang nakasurvive tayong lahat sa "Doomsday", subukan ko post ulit mamaya. Haha. Bitinan muna <3
Twitter: @shestrish / @shestrishmrn
BINABASA MO ANG
Love Shades : FATE
RomanceSa mundo na puro akala, may dalawang pusong mag mamahalan. Ngunit, mapaglalaruan ng tadhana at mabibiktima ng pagkakataon. Akala mo okay na, hindi pala. Akala mo perfect na, sablay pala. Akala mo puro lang saya, masasaktan ka din pala.. ...