Naka uwi na si Kurt 2 days ago. Kasama nya ang parents nya ngayon sakanila. Hindi muna ako sumaglit para bisitahin sya dahil nirerespeto ko ang time nya with his parents. Nag tetext lang kami. Miss ko na si Kurt. It's been the longest time na hindi kami nagkita. Haay. 2 days palang parang 2 years na..
Sa loob ng dalawang araw wala akong ginawa kundi manuod ng TV. Sembreak namin ngayon kaya bulok nako sa bahay. Ngayon, eto na naman ako. Nag movie marathon ng Step Up. Isa sa mga favorite namin ni Kurt..
*dingdong, dingdong*
"Andyan na po!"
Hmnn. Sino naman kaya to? Wala naman akong ineexpect na bisita. Pumunta ako sa gate. Laking gulat ko sa aking nakita..
"Brook hija.."
Bumulagta sa aking harapan si Kurt kasama ang mga magulang nya. Mama nya ang unang bumati sakin sabay yakap at bitaw ng mga salitang iyon. Gulat na gulat ako sa pangyayari at wala ng nasabi. Binitawan ako ng mama ni Kurt at nakita kong nakangiti ng malaki ang papa ni Kurt hawak hawak ang isang kahon ng cake. At sa kanyang likuran, nakita ko si Kurt. May dalang boquet ng red at pink roses.
"Hello po. Kumusta po? Kurt, kumusta? Napadaan po kayo? Ay pasok po pasok po."
Nabalot ako ng kaba. Pinatuloy ko sila sa bahay namin.
"Hija ito ang concord cake. Nabanggit kasi ni Kurt na ito daw madala nyong kainin at paborito modaw ito. Pasensya na ito lang dala namin."
"Wala po yun Tito. Nag abala pa po kayo."
"Hay nako Brook. Hayaan mo na kami ng Tito mo. Ito lang ang naisip naming paraan para mapasalamatan ka. Na late na nga kami. Inasikaso pa kasi namin si Kurt."
"Tita you didn't have to bother. Utang ko po ang buhay ko kay Kurt. Kung hindi po dahil sakanya, hindi ko na po alam anong mangyayari sakin."
"Pero Brook, hindi biro ang ginawa mo para saakin."
"Kurt, anything. For you."
Binuksan na namin ang cake na dala nila. Salo salo kaming nag meryenda. Nag kwentuhan at nag tawanan. Kalaunan ay nawala na rin ang kaba at hiya ko. Mas madami akong nalaman tungkol kay Kurt sa parents nya.
"Hija, pano ba yan mauna na kami huh? Hindi na namin nahintay ang Moms mo. It's getting late na kasi saka sabi ng doctor bawal mapagod si Kurt."
"Ay Tita no prob po. Sabihin ko nalang po na dumaan kayo. Maraming salamat po ulit."
"Mag oorganize kami ng party by the end of the month. Punta kayo n Moms mo ah? I will expect you two. Ipapasabi ko nalang kay Kurt ang details."
"Ay sige po Tita. I wouldn't miss it."
Lumabas na sila sa aming bahay. Nag paalam na ako kay Kurt at pumasok na sya sa kotse. Nag paiwan pa sa labas ang mga magulang nya at kinausap ako..
"Brook abot langit tlga ang pasasalamat ko sa pag donate mo ng dugo kay Kurt. Kung hindi dahil sayo, di ko na alam kung paano na kami ngayon."
"Thanks Hija."
"Walang ano man po yon Tito, Tita. Niligtas po ni Kurt ang buhay ko. It was my honor."
Muli, niyakap ako ng mama nya. Umalis sila at kumawaysakin si Kurt.di pa man sila nakakalayo may nareceive akong txt..
"Missed your beautiful face. Happy to have seen you today. I miss you my princess. <3"
"I miss my savior more. Get well soon ok? Be better before sembreak ends. Miss ko na kasi ang pag labas natin"
"I will be okay. :) Guston gusto na rin kita makasama"
-----------------------------
Aprub kaya ang parents ni Kurt kay Brook? At ano itong partyng ito. Imbitado kayong lahat sa pasabog party na yan, SOON :)
Twitter: @shestrish / @shestrishmrm
BINABASA MO ANG
Love Shades : FATE
RomanceSa mundo na puro akala, may dalawang pusong mag mamahalan. Ngunit, mapaglalaruan ng tadhana at mabibiktima ng pagkakataon. Akala mo okay na, hindi pala. Akala mo perfect na, sablay pala. Akala mo puro lang saya, masasaktan ka din pala.. ...