The princess saves her knight

29 1 0
                                    

Lampas ng 1 oras. Natawagan ko na din ang mga magulang ni Kurt at dahil nasa business trip sila, bukas pa sila makakarating. Matapos ang mahabang pag hihintay, lumapit na ang doktor..

"Pamilya po ba kayo ng pasyente?"

"Kaibigan ko po sya ng anak ko."

"Ma'am, hija, ligtas na si Kurt. Pero.."

"Pero? Ano po ngyri kay Kurt?"

Masaya ako na ligtas na sya. Pero bakit may pero? Anong ngyre sakanya?

"Pero madaming dugo ang nawala sakanya. Kailangan makahanap ng donor within 8 hrs. Pero mejo mahirap mag hanap ng ka blood type nya.."

"Ano po ba ang blood type nya?"

"AB.."

"Ako po. Ako na po ang mag dodonate ng dugo sakanya. AB po ako.."

"Anak teka sigurado ka ba?"

"Moms, niligtas ako ni Kurt. Kung hindi dahil sakanya siguro wala na ako. Moms, kaya ko. Doc, ako na po."

"O sige hija. Kung ganon sumama ka na sakin.."

Hindi ako nagdalawang isip gawin to. Para kay Kurt lahat gagawin ko.. Love can be blind. So blind. But more than that, love is adventurous. It's ready to take all kinds of risks. Kahit na buhay mo na ang nakataya..

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nasa loob ako ng hospital room ni Kurt. Nakapag palit na ako naka ligo at lahat. Si Moms naman, nasa bahay muna ng tita ko. Inayus ko ang mga damit ni Kurt na dinala ng yaya nya. Tulog na tulog pa si Kurt. Ang saya kong pag masdan sya. My hero. Hinimas ko ang buhok ni Kurt ng bigla syang namulat..

"Brook.."

"Kurt.. Kurt! Teka tatawag ako ng doktor"

Tumakbo ako papunta sa pinto. Katabi lang naman ng room ang nurse's station kaya na attend at check agad nila si Kurt. Lumabas muna ako hanggang matapos sila. Sabi ng doktor ay maayos na ang kalagayan nya. Pahinga lang at okay na.

"Brook salamat huh."

"Salamat? Salamat saan? Salamat sayo! Niligtas mo ako."

"Dinugtungan mo ang buhay ko."

Nagka tinginan kami ni Kurt. Inabot nya ang kamay ko. Hinawakan nya iyon n mahigpit..

"Brook, sinabi na sakin ni Doc ang ginawama mo. salamat talaga. Niligtas ko lang ang buhay mo. Ikaw, binigyan mo ako ng buhay."

Hindi ko alam ang isasagot kay Kurt. Basta, masaya ako. Maayos na sya. Buhay at ligtas na sya. Niyakap ko nalang si Kurt ngunit iniingatan na wag matamaan ang sugat nya. Grabe talaga ang taong nag mamahal no? Oo alam ko. Hindi pa kahit kailan nag I Love You sakin su Kurt pero.. Hindi sakin mahalaga yun. Nararamdaman ko mahal nya din ako. Sana nga lang, tama ang nararamdaman ko...

--------------------------------

After all the sacrifices ni Brook para kay Kurt, mag kakaroon na kaya ng chance ang love story nila? Bakit ba kasi tumatagal pa? Hmmn.

Twitter: @shestrish / @shestrishmrm

Love Shades : FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon