Chapter 12

108 9 18
                                    

Chapter 12

Nang pumasok kami sa theater room ay agad na bumungad sa amin ang malaking screen. May mga upuan na magkakadikit, parang sa sinehan lang. May mga ilaw sa kisame na parang bituin. Ang kulay ng pader ay itim.

May theater room din naman kami sa mansion pero hindi ganito kaganda. Nang makaupo kami ay kaagad kinuha ni Nova ang remote sa big screen na nasa harapan namin. Kaagad pinindot ni Nova ang netflix at nags-scroll.

"Ziram what do you want to watch? Ikaw na pumili." Binigay niya sa akin ang remote kaya tinanggap ko.

Nags-scroll ako, tumigil lang ng may nakita akong mukhang maganda. "Napanood mo na ba 'to?" tanong ko.

Umiling siya. "Not yet, puro cartoons and kdrama lang pinapanood ko. Pero mukhang maganda 'yan."

"Sige, ito na lang panoodin natin." Sabi ko.

Nang pinindot ko na ang movie na papanoodin namin ay pinatong ko ang remote sa pagitan namin. Hindi pa nagsisimula ang palabas ay biglang may kumatok sa pintuan.

Tumayo naman si Nova at pumunta patungo do'n. Pagkabalik niya sa tabi ko ay dala dala niya na ang tray na may popcorn at inumin. Binigay sa akin ni Nova ang isang popcorn at isa ring inumin na tinanggap ko kaagad. Isinantabi niya muna yung tray bago siya umupo sa tabi ko. Ako naman ay i-plinay na ang palabas.

Nasa kalagitnaan na kami sa pinapanood namin ng biglang may kumatok.

"May inutos ka ba?" Tanong ko kay Nova habang ngumunguya.

Umiling siya. "Wala naman. Wait let me see." sabi niya.

Pinause ko muna ang pinapanood namin. Si Nova naman ay naglakad papunta do'n. Inabala ko muna ang sarili ko sa pagkain habang hinihintay si Nova bumalik. Nang narinig kong bumukas ang pinto, bumungad agad ang boses ng mga lalaki. Biglang kumunot ang noo ko dahil sa mga boses na 'yon.

Tumingin ako sa kinaroroonan ng pinto para ikumpirma na sila nga 'yon. Agad kong nakita ang likod na nakapameywang na si Nova habang pinagsasabihan ang tatlo. Sa harap niya ay nakita ko kaagad ang tatlo. Hindi ko inaasahan na nakatingin pala si Reziak sa akin kaya nakapag-eye contact kami.

That jerk! Anlakas magpakita sa 'kin na parang wala siyang ginawa kanina! Ang kapal talaga ng mukha!

"Kaya nga kami nag-cutting para we will not see your ugly faces pero anong ginawa niyo? pumunta pa kayo dito." ani Nova.

"We we're just checking both of you if you're just doing fine, masama ba 'yon?" Tanong ni Reziak na may mapang-asar sa tono.

"We don't need your nonsense excuse here. If you want to stay here, do'n kayo sa kwarto mo." Mataray na sabi ni Nova.

Go girl! That's my bestfriend.

"Ziram oh." Tawag sa akin nung dalawa.

Inirapan ko lang ang dalawa. Umayos ako ng upo at sumubo ulit ng kinakain kanina.

"Shoo you guys. Ziram and i we're watching movie obviously, isturbo kayo kaya shoo!" aniya at narinig kong sumarado ang pinto.

"Hay nako Ziram. Don't mind them na lang." aniya ng naka-upo siya sa tabing upuan ko.

"Yes miss, ma'am." Natatawang sabi ko. Kinuha ko ang remote para i-play na ang pinapanood namin.

KAKATAPOS lang ng pinapanood namin ng biglang may kumatok sa pinto. Nilingon ko 'yon at nakita ko sa periphiral vision ko na tumayo si Nova. Baka yung tatlo nanaman 'yun ha? makakatikim talaga sila sa akin ng sapok.

Pero nang buksan ni Nova ang pinto, ang kasambahay nila ang bumungad.

"Ma'am naka-handa na po ang tanghalian niyo," aniya.

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon