Chapter 03

169 14 5
                                    

Chapter 03

Gumising ako ng maaga para ipaghanda ng agahan ang tatlo, para na rin makapag-ayos ako dahil ngayon ang unang araw ko sa UOE. Medyo excited ako dahil makakapag-aral na ako sa pinapangarap kong Unibersidad kahit afford naman namin kaso nga sekreto lang yung tungkol sa pagkatao ko. Mami-miss ko ang former school ko.

Kaya medyo excited kasi makikita ko pa rin do'n ang tatlo dahil kaklase ko sila sa lahat ng subject. Sa loob lang ng ilang oras, gamay ko na ugali nila kaya naiinis ako.

Nang matapos akong magluto ay agad akong pumuntang kwarto para maglinis ng katawan at maglagay ng kung ano sa mukha ko para hindi ako mabuking. Nang matapos ay agad akong bumaba kasama ang aking bag. Pumunta akong dining area dahil alam kong nando'n na sila, kumakain.

"Ziram nandyan kana pala, tara kain." Alok ni Rainber.

"Ah hindi na, kumain na ako kanina," sabi ko.

"Sige sabi mo, eh."

Tinalikuran ko na sila at naglakad papunta sa living room para do'n lang hintayin ang tatlo pero makalipas ng ilang minuto nakita ko si Reziak na palapit sa akin.

Agad ko syang tinanong nang makalapit siya. "Tapos na din ba silang kumain?"

"Hindi."

"Eh bakit nandito ka?"

"Pake mo ba? Sa gusto kong nandito ako."

What the hell?!

"Wala akong pakialam sa taong katulad mo, makasakay na nga sa sasakyan," sabi ko at inirapan siya. Tumayo na ako at naglakad papalayo kay Reziak.

Dumeretso na kaagad ako sa garahe papunta sa kotse na sasakyan namin papuntang University of Elites. Sabi kasi nila sabay sabay na lang daw kaming pumasok, umoo naman agad ako kase wala akong sasakyan tapos hindi pa marunong mag-drive.

Pumasok na agad ako sa kotse ng makarating ako sa garahe. Sa tabing bintana ako umupo kasi magaganda ang mga tanawin sa dadaanan namin mamaya. Besides sa mga magagandang tanawin, gusto ko talagang umupo sa tabi ng bintana kasi wala lang.

Nasaan na ba yung mga 'yon? Ang tagal namang kumain nung dalawa. Anong oras na, baka ma-late kami sa klase.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin yung tatlo, mabuti naman... Kanina pa kaya ako naghihintay! Walang driver kaya nagtalo-talo pa sila kung sino ang magdra-drive. Tumigil na rin sila sa pagtatalo ng si Rainber ay nagpresinta na siya na lang ang magdri-drive. Hindi rin nagtagal ay ini-start na niya ang sasakyan saka ito pinaandar.

Ako lang mag-isa yung nasa likod dahil nandon sa front seat yung dalawang ugok.

"May narinig akong chismis mga pre," sabi ni Zack.

"What is it again Zack? Daig mo pa babae sa pinaggagawa mo," sabi ni Reziak.

"Ang harsh mo naman sa akin fafa Reziak, buti pa si Rainber tahimik lang sa isang tabi pero iniisip niya kung paano mangchi-chix mamaya." Tumawa si Zack habang kaming tatlo ay seryoso lang ang mukha.

"Syempre nagdri-drive si Rainber, what a fool..." Si Reziak.

"Baliw." Bulong ko.

"May sinasabi ka pangit esteㅡ Ziram?"

"Anong pangit? Ikaw nga mukhang pwet ng baboy na kinayod sa tae." Kinurot ko pa siya sa braso.

"Ako mukhang pwet ng baboy? In your dreams pangit."

"Tse, basta mukha kang pwet ng baboy na kinayod sa tae."

Malakas na tumawa ang narinig ko kina Rainber at Reziak, good buti na appreciate nila yung pagsabi ko ng totoo.





The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon