Chapter 34
Mga ilang oras pa akong nag-drama. Nakasandal ako sa pintuan at nakaupo na parang bata. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko kung bakit ako umiyak. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko na yung pagpasok ko rito ay pawang kasinungalingan lamang. Nang makapag-isip isip na ako ng maayos ay tumayo na ako at handa ng maglagay ng mga damit ko sa maleta nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Hindi ko na sana papansin ang kumatok pero biglang itong umimik kaya nakilala ko kaagad. Dali dali kong pinunasan ang mga bakas ng tuyong luha ko. Nang masiguro na hindi na halata ay binuksan ko ng maraan ang pinto at sumilip. Nakita ko ang kuya Zarvin na nakatayo habang seryosong nakatingin sa akin.
"I heard you already knew." Agad na sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Umayos ako ng tayo at malawak na binuksan ang pinto saka tinaas ang kaliwang kilay. "Ah so alam mo?"
Hindi siya nakasagot agad. Napabuntong hininga na lamang siya at napatingin sa sahig.
"Okay, i admit. I knew all about this but it doesn't mean that i was agree about this. Dad told me first before he told you. Dad told me about his plan but I disagree. Pinilit lang ako ni Dad na tulungan siya kaya wala akong nagawa kundi tulungan si Dad. But he doesn't know that helping him is i'll go home. That's why i pulled some strings to get close to you in your university for your safety but it has a long process to do so." Umangat ang tingin niya.
"Wala akong sinabing mag-explain ka kuya." Seryosong sabi ko pero natatawa ako sa kaloob looban ko. Sino ba kasing nagsabing mag-explain siya? Wala naman 'di ba?
"You just asked meㅡ" Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.
"Ang tanong ko kung alam mo? Oo at hindi lang sagot hindi pa sinabi. Nag-speech pa akala mo nasa korte na tinatanong ng judge kung anong nangyari," sabi ko at inirapan siya.
Huminga ito ng malalim, tila nauubusan na siya ng pasensya. "If you don't have something nice thing to say, i will going to leave," sabi niya at aambang tatalikuran na ako ng magsalita ako kaya hinarap niya ulit ako.
"Hindi ako galit kung 'yan ang tanong sa isip mo. May inis, yes meron pero konti lang 'yon. It's not a big deal though."
"It's always the big deal word. Wala namang big deal para sa'yo kaya hindi na ako nagtaka."
"Ahh ganon, umalis ka na nga! Sino ba nagpapunta sa'yo rito?" Inis na tanong ko.
"Myself and I." May pang-aasar sa boses niya.
Umirap ako. "Hindi bagay sa'yo," sabi ko at sinaraduhan na ang pinto.
Hindi ko na ulit binuksan ang pinto kahit na tinatawag ako ni kuya Zarvin. Nag-ayos na lang ako ng damit ko para sa pag-alis ko. Hindi naman nagtagal ang pagtawag sa akin ni kuya. Nagpaalam na siya na aalis na siya dahil madami pa raw siyang gagawin. Hindi ako sumagot sa sinabi niya at pinagpatuloy na lang ang pag-aayos ng mga gamit ko.
Hindi ko na alam kung anong oras ako natapos. Basta pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa maleta, nag-chat ako kay ate Zasha para sunduin ako rito bukas. Mabuti na lang ay agad siyang nag-reply at pumayag. Pagkatapos no'n ay agad na akong natulog. Hindi ko na tiningnan ang oras. Nakatulog ako kaagad dahil siguro sa sakit ng likod ko gawa ng pag-aayos ng gamit.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga gaya ng dati pero mas maaga ngayon. Medyo lutang pa ako at wala sa tamang pag-iisip kaya pumunta muna akong banyo para maghilamos. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa kama. Nag-iisip kung anong susuotin ko, pero naalala ko yung damit ko sa closet na iniwan ko do'n para suotin ko ngayon kaya tumayo na ako para kuhain iyon at pumunta na ng banyo.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...