Prologue

455 27 5
                                    

Nasa sala kami ni Papa. Habang nagsasalita siya ay naka-simangot ako. Bakit ba kasi gagawin namin 'yon? May pera naman kami, maayos ang buhay at saka hassle kaya 'yon. Ipagsasabay ko ang pag-aaral ko tapos ang pusta ni papa?

"Ziram anak, magpapataasan lang naman tayo ng pera na maiipon. Basta sariling pera at sariling sikap. Kung sino ang pinakamataas na naipon, syempre sya ang panalo. Kung ikaw ang mananalo ikaw na bahala sa kung anong gusto mo. Kung ako naman ang manalo nasa sa akin na 'yon." Pagpapaliwanag ni Papa.

"Sige na nga, pero Papa ano naman ang
kaayusan ko habang ginagawa ko 'yon at saka saan ako magtratrabaho? Sa madaling salita, saan ako mag-iipon?" sabi ko at kinagat ang ibabang labi. Tumingin ako sa labas ng bintana para makapag-isip.

Saan nga ba ako magtra-trabaho para makapag-ipon? Bakit kasi ang daming pakana ni Papa! Gusto ko lang naman mamuhay ng tahimik Biglang nag-salita si Papa kaya ibinaling ko ulit ang paningin ko sa kanya.

"Edi mag-panggap ka. Hindi naman kita pababayaan eh. Sa The House of Heirs ka mag-iipon. Sa madaling salita, sa Hacienda dé Herederos ka magtra-trabaho." Pang-gagaya ni papa sa boses ko. Napa-isip tuloy ako bigla.

Maganda nga ro'n, hindi ako mahihirapan mag-ipon kasi mayaman naman ang mga 'yon. Sana mga babae ang mga tagapagmana kagaya ko, 'wag nga lang sana masama ang ugali. Pero naalala ko, puro lalaki nga pala sila. Sana hindi puro yabang ang alam, amen.

"Sige na nga Pa, g na ako. Siguradong matatalo kita, ako pa ba? e ako lang naman ang kaisa-isang mong anak na babae at syempre nagmana ako kay Mama."

Tinaas baba ko ang aking kilay habang si Papa naman ay napasimangot na parang bata. Umiling-iling ako sa inasta ni Papa. Buti na lang talaga nag-mana ako kay Mama, kung hindi ay nako po. Hindi mangyayari 'yan.

Sinabi sa akin ni papa na sa ikalawang araw pa ang start namin kaya may dalawang araw pa ako para magchill. Nagtext ako kay ate Zasha na makipagkita sa akin bukas. She replied quickly, umoo siya kaya naman tuwang tuwa akong bumalik sa kwarto.

Naggayak na ako ng mga damit na dadalhin ko papuntang Hederos para hindi ko na 'yon gagawin bukas. Mabuti nga sinipag ako ngayon.


KINABUKASAN maagap akong gumising. Naligo agad ako. Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko bumaba na agad ako. Nagulat ako nang makita ko si kuya Zarvin sa baba kaya patakbo akong pumunta sa kaniya.

Sinalubong ko kaagad ng yakap si kuya Zarvin. "Anong oras ka nakarating dito? And why didn't you bother to tell me that you're going home?" Sunod sunod na tanong ko at kumalas sa yakap. Nakakagitla kasi. Nasa America siya nagtuturo tapos hindi man lang sinabi na uuwi siya.

"I forgot Hahahaha. Na-surprise ba kita?" sabi niya.

Umiling ako. "Hindi ako na-surprise, need ko pasalubong."

"Up stairs, in my room. Kunin mo na lang mamaya." Tumango ako at nagpaalam na kakain muna ako. Sumama siya sa akin, habang kumakain ako may kwinekwento siya. It happens all the time, when we didn't see each other so long. Kaya napapatagal ang kain ko.

"Dito na nga pala ako magtratrabaho. I'll be a dean in a famous university here in our city," sabi niya.

Saktong umiinom ako kaya nabuga ko. Akala ko ba ayaw niya rito kaya sa America siya nagtrabaho. Why his perspective suddenly changed?

Matalim niya akong tiningnan. "Manners, Ziram."

"Hindi ko sinasadya... Ikaw kasi, eh. Bakit nabago pananaw mo sa buhay?"

"Wala lang. New experience i guess?"

Bigla akong nakarinig ng yabag ng mga paa papalapit sa gawi namin ni kuya. Biglang pumasok si ate Zasha dito sa dinning area.

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon