Chapter 28
Dahil nakakain na kami ni Nova sa cafeteria ay kumain ulit kami. Tikim lang naman. Duga naman nila 'pag inubos nila 'yon na hindi pa namin natitikman ni Nova. Kami na nga bumili eh!
"Bakit kayo nakikiagaw ng hindi sa inyo?" Tanong ni Zack.
Ayan nanaman siya, nagsisimula nanaman.
"Bakit? kami naman bumili." Mataray na sabi ko.
"Babayaran naman namin, kaya wala ring kwenta 'yon," sabi niya.
"Hoy, ang hirap kayang pumila 'pag mahaba!"
"Shunga mo, bakit hindi ka pumila sa kaunting pila," sabi ni Zack at bigla siyang binatukan ni Reziak.
"Shunga ka rin, walang kaunting pila sa cafeteria ha! puro mahahaba," sabi ko.
"Ano nanaman? Bakit ako?" sabi ni Zack.
"Kumain ka na nga lang, ang dami mo pang sinasabi," sabi ni Reziak.
"May sense naman." Bulong pa ni Zack saka kumagat sa hawak niyang pagkain. Sinamaan lang siya ng tingin ni Reziak at ipinagpatuloy na lang niya ang kinakain.
"Saan do'n?" Tanong ni Rainber.
Oo nga, saan do'n? Shunga!
"Doon ata," sabi ni Zack at itinuro ang kabilang dingding ng silid.
"Hanapin mo nga nang magka-sense ka," sabi ni Rainber at kumuha pa ng pagkain na nasa harapan nila.
Napahagalpak kami ng tawa ni Nova. Napapatok pa ako sa lamesa, gaga Rainber Hahahaha.
"Burn. Grill. Toasted!" Tawang tawang sabi ni Nova.
"Mga hayop!" sabi ni Zack kaya lalo pa kaming tumawa. Hanggang sa biglang nagbukas ang pintuan kaya napalingon agad ako ro'n. Si kuya Zarvin agad ang nakita ko ro'n. Nakatayo siya at hindi ko malaman ang reaksiyon niya.
Patay!
"What are you both doing here?" Seryosong tanong ni kuya.
"Eating?" Sagot ko.
Napatikhim siya at inayos ang tie niya. Napapatawa ako pero pinipigilan ko dahil mukhang nainis siya sa sinabi ko.
"Actually, it's time to release you three but someone just sneak in. So, another 3 hours i guess?" sabi niya.
"Ano?"
"Bakit sa amin ang parusa?"
"Unfair."
Sabay sabay na sabi ng tatlo. Hala, gago si kuya. Pwede namang bukas na lang yung another 3 hours? Ang init kaya! Mabuti na nga lang may bintanang bukas, eh ang kaso mainit pa rin.
"I will not going to changed my mind." Tumingin siya sa akin. "Leave... Both of you or i will change my mind right now if you don't leave immediately."
Agad naman kaming tumayo at naglakad palabas.
"Hoy, ang duga. Dapat sila yung may parusa hindi kami." Angal ni Zack.
"One more complain and i will add one more hour again," sabi ni kuya.
Nakita kong nakasimangot si Zack kaya humagalpak ako ng tawa. Wala ng pakealam kung anong gawin ni kuya basta ang mahalaga, nailabas ko ang tawa na kinikimkim ko kanina pa.
Ini-lock ulit ni kuya yung pintuan. Bigla akong napatingin kay Nova ng danggalin niya ang braso ko.
"Ano?" Bulong na tanong ko sa kaniya.
"Even the back of your brother was gwapo." Kinikilig na sabi niya.
"Ano ka? Crazy? Kailan pa nagkamukha ang likod?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...