Chapter 06

152 12 2
                                    

Chapter 06

Nang makapasok na kami ni Nova sa classroom ay agad akong inantok. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, aantukin ako. Hindi bale na magpapatulong na lang ako kay Nova pag nagkataong makatulog ako sa klase. Nang makaupo na kami sa upuan na malapit sa tatlong unggoy ay saktong dating naman ni Mrs. Portes.

Lumipat sila ng pwesto e.

Nagsimula ng magturo si Mrs. Portes hanggang sa time na nya. Himala naka-survive ako sa unang subject pano pa kaya sa pangalawang subject, terror pa naman yung teacher dun. Pano kaya ako makakasurvive do'n.

Maya-maya pa ay dumating na si sir. Jalbuena ang science teacher namin. Habang nagdi-discuss si sir. Jalbuena ay sya namang papikit-pikit ng aking mata.

Ah shit di ko na talaga kayang pigilin pa kaya umuob na ako agad. Syempre wala kang tunog na maririnig, mayari pa ako nito.

Makalipas ng limang minuto sa pag-kaubob ay narinig ko ang boses ni Sir na tinatawag ang aking pangalan.

"Ms. Cortez bakit ka natutulog dyan, nagdi-discuss ako dito sa unahan tapos natutulog ka dyan? Kung ayaw mo makinig sa leksyon ko ay lumabas ka na ng classroom, hindi ko kailangan ng estudyanteng hindi nakikinig sa akin masasayang lang ang laway ko." Sabi ni Sir Jalbuena.

Agad akong umayos ng upo saka kinusot ang aking mata.

"Sir di naman po ako natutulog." Dahilan ko.

"I don't need your explanation Ms. Cortez ang kailangan ko lang ay lalabas ka ba sa klase ko o sasagutin ang tanong ko? Kabago-bago mo palang tapos ganan na agad ang inaasta mo, mahiya ka naman sa amo mo na nasa tabi mo lang." Sabi nya.

Mahihiya ako sa mga yan sir? E inutusan ko ngang mag-hugas ang mga yan kanina, ginawa man nila.

"Sir sasagot na lang." Sabi ko.

Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Okay this is the Question."

Wow nasa isang pageant ba ako?

"What is the three main plate boundaries with definition." Saad ni sir. Jalbuena at pinag krus ang braso sa may dibdib.

Madali lang pala e.

"First is the Convergent Boundaries where two plates are colliding. Subduction zones occur when one or both of the tectonic plates are composed of oceanic crust. The denser plate is subducted underneath the less dense plate. The plate being forced under is eventually melted and destroyed." Sabi ko.

"Okay correct, what's the second main plate boundaries."

"The second one is the Divergent Boundaries where two plates are moving apart. The space created can also fill with new crustal material sourced from molten magma that forms below. Divergent boundaries can form within continents but will eventually open up and become ocean basins."

Napatango-tango si Sir sa sinabi ko. "Next."

Ngumisi ako bago nag-salita. "The last one is the Transform Boundaries where plates slide passed each other. The relative motion of the plates is horizontal. They can occur underwater or on land, and crust is neither destroyed nor created. Because of friction, the plates cannot simply glide past each other. Rather, stress builds up in both plates and when it exceeds the threshold of the rocks, the energy is released causing earthquakes."

"Impresive miss Cortez pwede ka ng maupo at matulog. Okay class continue." Sabi nya.

Ngingiti-ngiti akong umupo at umob-ob para matulog, narinig kong nagsisimula na ulit magturo si Sir Jalbuena. I'm glad i survived.




The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon