Chapter 19
Nang matapos ang last subject namin ay nagsiuwian na rin kami sa Hacienda dè Hederos kasama si Nova. Papasundo na lang daw siya sa driver nila 'pag uuwi na siya.
Sa buong byahe ay kinukulit kaming dalawa ni Nova kung bakit daw kasama namin si Rainber. Si Rainber naman ay natatawa na lang sa inasta ng dalawa. Hindi raw sila naniniwalang nag-cr lang kami. Sorry, hindi talaga kami nag-cr. Sino ba nagsabing nag-cr kami? ay ako pala.
Rainber just stick his tongue out to the two boys. They felt being an outsiders kasi hindi raw sila sinama. Talagang hindi sila belong, joke. Girls only nga diba? Pano namin sila isasama kung girls only nga?
"Ipre-prepare ko lang dinner natin." Sabi ko at aambang aalis na.
"Wait. Sama ako and Rainber." Sabi ni Nova kaya tumango ako. Hinila ni Nova si Rainber palapit sa akin.
"May something talaga na hindi natin alam, Reziak!" Si Zack na nakataas ang kilay.
"Ano ba? sinisigawan mo na ako?!" Si Reziak na nakataas ang kilay.
"Hindi, joke lang 'yon pre."
Napailing na lang ako at naunang maglakad papuntang kusina. Sumunod ang dalawa sa akin. While preparing the ingredients, we were chit chatting about random stuff. Tinutulungan din nila ako para raw mapabilis ang gawain ko.
Nang matapos ang pagluluto ay isa isa naming inilagay sa lalagyan ang mga pagkain na inihanda ko at inilagay sa mahabang dining table. Nang mailagay na lahat ay tinawag na namin ang dalawa. Umupo na ako sa tabi ni Nova habang si Rainber naman ay nasa kabilang side ni Nova.
Pagkapasok ng dalawa sa dining area ay nakabusangot ang mukha. Ano bang problema ng mga 'to? Tampo? Sorry na lang sila, hindi ako marunong manuyo. Sa tapat namin sila umupo. Wala naman silang choice.
"Lets eat, but first and foremost lets pray." Si Nova na ang nag-lead ng prayer. We all bend our head down and close our eyes while Nova lead the prayer. Nang matapos na siyang magdasal ay kaniya kaniya kaming nagsikuha ng pagkain.
Wala akong dulot dito bilang kasambahay. Parang nakatira na rin ako rito, nakatoka lang yung pagluluto. Sa halip na ako ang magsasandok ng pagkain sa kanila, nakisabay na ako sa kanila.
They are my boss and i'm their servant. But it's not look like that anymore, kasi parang kasapi na nila ako. I don't know why i'm thinking this pero i'm glad i met them. Para ko na silang pamilya. I'll treasure them 'till my last breath kahit ganon ugali nila!
Nang matapos na kaming kumain ay tinulungan nila akong hugasin ang mga ginamit. Pagkatapos nun ay nagpahinga kaming lahat sa salas. Binuksan ang T.V pero hindi nilipat ng channel. Nakaupo kami sa mga couch nando'n. Katabi ko sila Nova at Rainber, pinag-gigitnaan ako. Since Nova and i, know the true identity of Rainber. Mas maganda kung mas malapit pa siya sa amin.
Malay ba naming may pusong babae siya.
"So i was saying. I don't like that Erlyse girl. She looks kind when she's talking to kuya but when kuya is out of her sight, her true behaviour immediately came back." Si Nova. Pinag-uusapan kasi namin si double-face na si Erlyse Alegre.
"Agree. Akala mo naman parang maamong tupa 'pag nasa harapan si Reziak. Kadiri lang." Umirap pa ako. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, naiirita ako.
"Babe, don't be jealous. Sa'yo lang ako." agap ni Reziak at ngumiti ng nakakaloko.
"Yuck kadiri ka! Tigilan mo nga ako!"
"No, i wouldn't."
Inirapan ko na lang siya. Wala na akong masabi, e. Kung bakit kasi bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko...
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...