Chapter 32
"Did you found something?" Tanong agad ni kuya ng makalabas kami sa Control room.
Kunwaring lumungkot ang mukha ko. "Wala nga eh. Siguro ih-give up na lang namin 'yon. Bahala na si Batman."
Naglakad ako sa tabi ni kuya habang yung dalawa ay sumunod naman sa 'kin. Bago pumasok yung security sa loob ng Control room sa harapan namin ay nagpasalamat kaming tatlo sa kaniya.
Naningkit ang mata ni kuya. "Are you sure?"
"Sure na sure. Balik ka na sa office mo, nakakaabala na ata kami sa'yo."
"Okay then, i'll go back to my office." Tumingin si kuya kina Nova at Rainber at tinanguhan.
Nagsenyas siya na aalis na kaya tinanguhan ko na lang. Nang mawala na siya sa paningin namin ay umalis na kami do'n. Hindi muna kami pupuntang room dahil pupunta muna kaming library. Pagkapasok namin sa library ay wala masyadong estudyante, class hour kasi yung ibang section. Doon kami sa parteng dulo umupo para wala masyadong makarining sa amin.
"Meron na tayong isang hakbang para mahanap kung sino ang may gawa noon. Pero hindi pa rin sapat ito," sabi ni Rainber ng lahat kaming tatlo ay nakaupo na ng ayos. May inilabas siya na galing sa loob ng uniform suit niya ng mga litrato? Tiningnan tingnan niya ang mga iyon.
Nasa harapan ko siya at katabi ko si Nova kaya hindi ko makita ang nasa litrato.
"Ano naman 'yan?" Tanong ko sa kaniya.
Pinakita niya sa amin kaya nagulat ako kung paano... "Hindi niyo ba napansin na gumawa ako sa loob nito?" Tinutukoy niya yung litratong hawak niya.
"Nope, I was focusing at the monitor so I didn't see you getting a photocopy of that." Si Nova.
"Hindi ako naka-focus sa monitor kagaya ni Nova pero hindi ko talaga napansin na ginawa mo 'yon." Manghang sabi ko.
Tumawa siya. "Queen things," sabi ni Rainber. Inirapan ni Nova si Rainber, habang ako ay tumawa lang.
Biglang nagseryoso si Rainber habang tinitingnan isa isa ang mga litrato. Hindi pa nakontento dahil paulit ulit niyang tiningnan isa isa. Paano nga ba namin mabibisto ang taong 'yon? Kailangan naming mag-isip ng mag-isip.
"Pahanap ko lang ang may ari nitong plate number," sabi ni Rainber saka inilabas ang phone.
May pinindot pindot siya hanggang sa mag-ring ang kanyang phone. Inilapit niya ang phone sa tainga niya. Hindi rin nagtagal ay sumagot na ang tinatawag ni Rainber. Sinabi niya ang plate number sa kausap. Hindi namin marinig ang sinasabi ng kabilang linya pero base kay Rainber ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa plate number.
Nang matapos ang usapan nila sa phone ay inilagay ni Rainber sa bulsa ang phone niya. Tiningnan niya kami.
Ngumisi siya. "Kilala ko na kung kanino ang kotse na nakita natin," sabi niya.
"Sino? Huwag mo kaming bitinin," sabi ko.
"Kay Rhea."
Napakunot ang noo ko. Si Rhea? Kay Rhea yung kotse? Edi siya yung tao do'n sa CCTV footage? Pero maliit si Rhea, eh yung nakita namin ay matangkad kaya hindi maaaring si Rhea iyon.
"What? That bitch again?!" Inis na sabi ni Nova.
"Tara magtanong tayo. Hindi ko naman susugurin at magtatanong lang. Hindi ako kagaya nilang mga war freak." Tumayo na ako kaya nagsitayuan na rin ang dalawa.
Sabay sabay kaming naglakad papunta sa building nina Rhea. Walang nauuna, walang nahuhuli sa lakad, sabay sabay talaga. Nang matunton namin ang room nila ay saktong labas ng kanilang lecturer kaya right timing ang pagpunta namin.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...