Chapter 01

278 29 33
                                    

Chapter 01

Nagising ako sa ingay ng nasa may tabi ng kama ko. Hudyat na tumunog ang alarm clock na nasa lamesa na katabi lang ng kama ko. Tamad ko 'yong kinuha at pinatay. Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa pagtulog. Makalipas ang ilang segundo ay may narinig akong bumukas at pag-sara ng pinto. Nakarinig din ako ng mga yabag ng paa.

Hindi ako tumingin ro'n dahil sa sobrang kaantukan. Ang isang magandang katulad ko ay hindi pwedeng istorbohin. Masisira ang beauty rest ko.

"Gising na anak kong dyosa, may pupuntahan ka pa." Rinig kong sambit ni Papa

Biglang kong naramdaman na lumubog ang parteng dulo sa kama ko dahil siguro umupo si Papa ro'n.

"Ayoko pa po," sabi ko.

At inabot ko ang unan na hindi kalayuan sa akin at saka tinakpan ang aking ulo.

"Oh sige, ganito na lang. Kapag nasa akin na iyang hikaw na suot mo, hindi ko na maibabalik sayo... Unless." Binitin nya ang sasabihin niya kaya umupo na ako kahit gusto ko pang matulog. "Gawin mo yun at matalo mo ako," sabi ni Papa.

Kinusot ko ang mga mata ko saka ngumuso, ang balikat ko ay nakababa na parang bulaklak na lantay.

"Hindi maaari Pa. Not my precious earring! 'yon ang nagpapatunay na tagapagmana ako ng pamilya natin," sabi ko at kinapa ang aking tainga kung nasan nakalagay ang hikaw. Humagikhik si Papa kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Tinaas nya ang kanyang palad hanggang tapat ng tiyan niya hudyat na hinihingi niya ang hikaw. Oh no, this really is a bad idea. Sana pala ay hindi ako umoo sa gusto ni Papa kaso huli na ang lahat. Alam ko namang sekreto yung pagiging heiress ko kaya hindi ko sinusuot 'pag nalabas. Pero kasi... Ang ganda kasi nun!

Bumuntong hininga ako bago tanggalin ang hikaw na nasa tainga ko at ng matanggal ay nakasimangot ko itong binigay. Huminga pa ako ng malalim ng ibinigay ko 'yon.

"Papa naman," sabi ko ng ibulsa niya agad ang hikaw na ipinamana pa sa akin ng mga holder noon ng Cortez.

"Ziram na pinakamaganda kong anak na babae. Hindi puwedeng malaman ng mga magiging amo mo na isa kang tagapagmana ng mga Cortez. Pero kung mahuli ka man ay sabihin mo sakin, magha-hire ako ng bodyguard mo pero hindi mo sila makikita...

Kahit wala masyadong may alam tungkol sa pamilya natin ay kailangan pa rin para sa kaligtasan mo. At kung ipapakita mo ang iyong tunay na mukha dahil nalaman na nila, let me know." Mahabang sabi ni Papa na ikinairap ko.

"Papa ako lang naman ang nag-iisa mong anak na babae. Saka wala naman akong pake kung malaman man nila ang tunay na itsura ko. Napaka-ganda ko kaya Papa. Nagmana ako kay Venus," sabi ko na nakangiti.

"Nako kang bata ka, minamanipula mo nanaman ang gwapo mong tatay. Maligo ka na nga at mag-ayos na ng sarili at ipapatapon kita sa Hacienda dé Herederos," sabi ni Papa.

"Para mo naman akong itatakwil sa salitang ipatapon Papa. Okay sana kung sa korea, andun sila oppa." Napapatiling sambit ko.

"Ikaw na bata ka. Kabata bata mo pa ang harot mo na. Mana ka talaga sa pinagmanahan mo," sabi niya.

"Aba'y syempre mana ako sayo eh," sabi ko na ikinangiti niya kaya agad rin akong ngumiti, pero agad rin nawala ng biglang sumeryoso ang mukha ni Papa.

"Ziram anak. You know manipulation is bad kaya itigil mo ang pakulo mo, I'm not someone else," sabi niya.

Pero hindi ko yon pinansin. Alam ko namang pa keme lang yun ni Papa para makaligo na ako. Hindi naman kasi ganun si papa na umiingles na lang bigla.

Inirapan ko si Papa. "Andami mong tukoy Pa. Lumabas ka na nga po at ako'y maliligo na gaya ng sabi mo."

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Pada dahil sa pag-ngiti nya. "Sige anak kong dyosa."

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon