Chapter 29

34 5 4
                                    

Chapter 29

Nagkatotoo ang sinabi ni Senyora, dahil pumunta nga siya ng mas maaga ngayong sabado. Wala naman masyadong nangyari nitong nakalipas na araw. Pumapasok na ulit si Erlyse ng mas maaga. Si Nova naman ay wala ng pakialam kung anong lumabas sa bunganga niya, lalo na 'pag kaharap si Erlyse.

Gusto niya raw kasi iparamdam yung inis niya sa babaeng 'yon. Wala na siyang pakialam kahit kaharap niya si Senyora basta masabi lang.

Sa ngayon, nasa may salas si Senyora kasama ako. Naka-upo lang siya habang ako nakatayo lang sa may gilid ni Senyora. Wala yung tatlo, may pinuntahan lang sila saglit. Hindi ko alam kung saan, basta saglit lang daw.

"Get me some orange juice, now." Biglang utos ni Senyora kaya napatingin ako sa kaniya. "Are you deaf or you just lazy to do it," sabi niya ng makita akong tumingin sa kaniya.

This crone won't stop her animal behavior. Kaya palihim akong napairap.

"I'll go get it Senyora," sabi ko at naglakad na papuntang kusina. Pero bigla niya akong tinawag kaya napatigil ako at hinarap ulit siya.

"One more thing, i want the real orange to make a juice. I don't like the powder juice so you should get me some real orange." She said while wearing her evil smile. Kahit hindi naman na siya ngumiti, evil na naman siya.

Tumango na lang ako at naglakad na papuntang kusina. Mabuti na lang may farm sila dito. Magkasama na kasi ang Hacienda at ang Mansion kaya hindi ako mahihirapan sa inutos ni Senyora.

"AY pasensya na ho, ma'am. Naibenta na po kasi lahat kahapon ang mga prutas," sabi ng napagtanungan ko.

"Ganun po ba. Salamat na lang po."

Bigo akong bumalik sa mansion ng Hederos. Kahapon nga pala binenta ang mga iyon. Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Ako pa naman dapat ang unang nakakaalam noon pero nakalimutan ko. Anong klaseng utak ang meron ako ngayon.

At si Senyora naman, mukhang sinadya niya. I'm not surprise though, she's a freaking crone. I lost count of how many time she decieved me, at wala akong pakealam.

Bumalik ako sa salas at na abutan pa rin do'n si Senyora.

She looked at me with her eyebrows raise. "Where is my orange juice?"

"Sad to say Senyora, we're out of oranges. Farmers already selled it yesterday."

"Is that a problem miss Ziram? Just buy in the supermarket, i want the fresh one."

"As you insist, Senyora." Tumungo ako sa kaniya bago ako nagsimulang umalis sa harapan niya.

Napa-iling na lang ako kay Senyora habang naglalakad papuntang garahe. I'm still don't know how to drive so I asked one of the bodyguards. Thankfully, someone volunteered to drive me.

Pagkarating namin sa mall ay agad akong dumeretso sa supermarket. Dinamihan ko na ang pagkuha ng oranges at sinigurado kong fresh ang mga 'yon gaya ng sinabi ni Senyora. Oh diba, kaartehan tawag do'n. Pero hindi ko na siya masisisi, halata namang lumaki 'yon ng mayaman at mamamatay ng mayaman.

Nang makapagbayad na ako sa cashier ng pinamili kong orange ay dumeretso agad ako kay kuyang bodyguard. Hindi ko alam yung pangalan ni kuya, hindi naman nagpakilala eh.

Pagkalabas ko ng exit ay agad ko ng nakita si kuyang driver kaya agad akong pumasok sa kotse.

"Kuya, pwede na po tayong bumalik sa Hederos," sabi ko.

Tumango lang ito at sinimulan na itong paandarin. Medyo malayo ang mall na ito sa Hederos pero ayos lang, kesa naman sa kanina na nakatayo lang ako habang nakaupo si Senyora.

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon