Chapter 26
HINIHINGAL akong nagising at biglang napa-upo. Tumingin ako sa paligid ko at nakahinga ako ng maluwag ng makitang nasa kwarto ako ng Hederos. Tumingin ako sa labas ng binta, maliwanag na sa labas. Ilang oras na akong natutulog? I can still recall what happened last night. I was terrified...
Simula nung namatay ang ilaw kagabi, nawalan ako ng malay? Hindi ko alam, basta ang naalala ko ay napanaginipan ko ang nangyari noong 13 years ago. I was still 7 years old that time when that tragedy happened.
I've been locked to a room with no lights, kadiliman lang talaga. Kaya na-trauma ako, ilang oras akong nakulong do'n ng walang kasama. Pumipikit lang talaga ako at pinipilit ang sarili matulog para hindi ko mapansin ang kadiliman.
I was scared, of course. Sa murang edad kong 'yon iniisip ko kaagad kung mamatay na ba ako? Hindi ko na ba ulit makikita magulang ko? Kung hindi lang ako naglaro do'n edi sana hindi mangyayari. Pero may sumagip sa akin, and i was very thankful for that man.
Umiiyak pa rin ako. Hindi ako nagmumulat kahit madilim pa rin ang makikita ko. I don't mind the darkness of what i'm seeing if my eyes are close, pero kung magmumulat ako, lalo lang akong matatakot kaya pinipilit ko ang sariling makatulog. Hindi ko kaya ang dilim 'pag nakamulat ako. Hindi ko maiwasang makaisip ng mga monsters sa paligid ko, i'm paranoid.
Pero hindi 'yon nagtagal. Bigla akong nakarinig ng putukan ng baril kaya natakot agad ako. Pakiramdam ko ay madaming tao sa labas para iligtas kami nung bata... Saan na kaya nila dinala yung bata? Sana maayos lang siya... Sana hindi natuloy yung mga masamang balak sa kaniya ng mga bad guys.
Biglang bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng may sumisipa sa pintuan. Lalo akong pumikit at hinagkan ng mahigpit ang sariling tuhod. Hanggang sa tuluyan ng bumukas ang pinto. Hindi pa rin ako tumitingin do'n. Iniisip ko na isa 'yon sa mga kidnappers na kumuha sa akin... But then, i was wrong. Mga taong sasagip sa akin/amin.
"Dito, dito may bata."
Bigla akong napaangat ng tingin at nakitang may papalapit sa akin. At first i'm scared, pero inalo niya ako kaya maya maya ay nakuha niya ang loob ko.
I was still crying when the man carry me from going outside the room. Narinig ko pa ang mga inuutos niya sa mga kasamahan niya.
"Look for my son, i'm very sure he's still alive." Sabi nito at naglakad na ulit.
Hindi pa rin natigil ang pag-iyak ko lalo na sa iniisip ko. Nasan na kaya sila papa? Hinanap ba nila ako o hindi? Alam ba nila kung nasaan ako?
"Shh... Stop crying big girl, your father is here." Hinimas niya pa ang likod ko.
Noong una ay hindi ako naniwala pero maya maya ay tumingin ako sa harapan ko. At nakita ko nga ang tatay ko. Agad akong nagpababa sa lalaki, but before i run to my papa. Tumango ako sa lalaking nagbuhat sa akin para sa pasasalamat ko, hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-imik pero nagpapasalamat talaga ako. Agad akong tumakbo papunta kay papa ng tumalikod ako sa lalaki.
Agad akong binuhat ni papa. "Ziram... Jusko, i'm glad you're safe. Pinahirapan ka ba nila?" Tanong niya na ikina-iling ko.
"Uuwi na tayo, hindi na 'to mangyayari ulit. Pangako."
At hindi na nga muli nangyari ang ganoong klaseng trahedya. Pero noong una, hindi nila ako makausap. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi sa paligid ko. Lagi akong nakatulala kaya sila mama ay natatakot na.
But i've been cured, it takes time actually. Pero yung cured na 'yon ay akala ko lang pala. Yung nangyari kagabi? Unexpected shits. Kukuha lang naman ako ng pagkain pero bakit nagkaganun? Saka saka nung wala akong kasama ay biglang magga-ganun.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...