Chapter 22

51 6 21
                                    

Chapter 22

When we arrived at the massive room, living room rather. Nakita ko agad si Erlyse na nagseselpon pero nang makita niya kami, i mean si Reziak, ay agad niyang inalis ang atensyon sa phone niya.

Funny double-faced Erlyse.

"Good morning... To all of you." Sabi niya ng naka-ngiti.

Aba, himala. Isinama na kami nina Zack at Rainber sa pagbati niya. Pero hindi pa rin mababawi 'yon ng katotohanang minalditahan niya ako kanina! Akala niya kung sino siya, isang hamak na bwisita lang naman siya.

"Morning." Walang ganang sabi ng tatlo. Habang ako naman ay walang balak na bumati pabalik.

Hindi siya gwapo/maganda para batiin siya pabalik.

Nang umupo ako sa tapat na couch ni Erlyse ay sinabi ko kina Reziak, Rainber, at Zack na kumain muna dahil nakapagluto ako kanina. Hinihintay pa naman namin si Nova kaya may oras pa sila para kumain.

Nang makaalis na sila. Bumalik ulit sa true self si Erlyse, as usual. Inirapan niya lang ako at bumalik ulit sa pagse-selpon. Ako naman, ang ginawa ko na lang ay inirapan siya. Nako... Ang sama ng hangin dito, naka-aircon pa naman kaya mabilis kumalat ang masamang hangin.

"What's your plan for later? For ruining my day? Oh wait, let's change the word ruin because you already ruined my day." Sabi niya bigla na hindi niya ako sinusulyapan. Nasa phone lang ang atensiyon niya.

"Oh, pake ko? You're the one who always started the mess, so why are you asking my plan to ruin your day if in the very first place i don't have any? You are just thinking that i was the antagonist here, pero ikaw talaga 'yon... Don't act like you're a good person 'cause you're not and will never be. Ginagawa mo lang katatawanan sarili mo kaya itigil mo na 'yang kahibangan mo." Umangat bigla ang tingin niya at tinaasan niya ako ng kilay. Saktong natapos ko ang sinabi ko ng mayroon akong narinig na yabag ng mga paa.

Si Nova na siguro 'yon panigurado. Pero bakit parang dalawang tao ang naglalakad? Baka hindi si Nova iyon, kundi ang mga magnanakaw? Pero imposible namang makapasok ang mga magnanakaw dahil mahigpit ang seguridad dito, kaya hindi sila basta basta makakapasok.

Hinintay ko talaga kung kanino ang mga yabag ng mga paa na naririnig ko. Nang maaninag ko na, ay agad kong nakita si Nova na seryoso ang mukha at may kasamang matandang babae? Kamukha ng nanay nila Reziak at Nova, so baka lola nila.

Palapit palang sila ay agad akong tumayo kasabay si Erlyse. Nagkatinginan pa kami at sabay na umiwas ng tingin. Bakit 'yon tumayo? Gumaya lang kasi wala lang? Nang tuluyan na silang lumapit ay agad tumabi sa akin si Nova, at ang lola naman niya ay tumabi kay Erlyse.

Nagbeso silang dalawa nina Erlyse at nung matanda. "How are you Erlyse? It's been so long, right hija?" Sabi ng matanda na may ngiti sa labi. Parehas silang umupo, at ganun rin kami ni Nova. Tiningnan ko pa si Nova na nagtataka ang nakaplasta sa mukha ko at siya naman ay nagkibit-balikat na lang.

"I'm always fine, Senyora. How about you po? I heard you've stayed in spain these past two months?"

"Yes, hija. It's still doesn't change, except to those newly build constructions."

"It's nice to hear that Senyora, though i miss spain but someone stopping me to go back in there." Tumawa pa si Erlyse. Parang kilala ko tinutukoy niya. Sino pa ba? Edi si Reziak!

Inilapit ko ang mukha ko kay Nova para bulungan sana kaso bigla akong tinawag nung matanda.

"Are you Ziram Cortez? The maid of those three good-looking heirs, here in Hederos?" Tanong nito.

"Ah, yes po." Sagot ko kaagad.

"Kung ganon, where is my good-looking grandson and the other heirs? And why are you not doing your duty right now? Your only task is to clean and obey the commands of those three heirs, not just sit back and do nothing." Maawtoridad na sabi ng matanda. Si Erlyse naman ay may hindi nakakatuwang ngiti sa kaniyang labi.

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon