Chapter 33
Noong makabalik kami sa UOE ay wala na ako sa mood. Kapag tatanungin nila ako ay tipid lang ang salitang sinasabi ko, madalas ay tango at iling na lang ang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta kumirot yung bandang dibdib ko ng makitang... Nevermind.
Sa ngayon ay nasa loob na kami ng classroom namin. Wala pa ang lecturer kaya maingay ang buong silid. Kami namang apat ay magkakaharap ng upuan. Kami ni Nova ang nag-adjust kaya hindi na namin makita ang mga blockmates na nasa unahan namin.
They are talking about the threat again and how we'll caught that freaking bastard. Pero sa ngayon ay wala talaga ako sa mood para isipin 'yon. Nawalan na nga ako ng ganang ituloy ang paghahanap sa walang hiyang taong 'yon, pero hindi ko muna ipapaalam sa kanila ang isipin kong 'yon. Siguro kapag wala talaga kaming mahanap.
"Na-itry niyo bang bumalik sa locker room ulit?" Tanong ni Zack.
Sabay kaming tatlo na umiling.
"Ang creepy na ng locker room this past few days, especially for Ziram. Every time you go there it feels like it's your R-I-P time." Si Nova.
"Ang OA mo naman Nova, hindi ka naman yung target," sabi ni Zack at tumawa.
Natawa ako ng konti pero hindi ko pinahalata sa kanila.
"Who cares? It's still creepy AF, period!" sabi ni Nova at inirapan si Zack.
"Kaya ang kailangan natin ngayon ay mahanap na kung sino ang may pakana ng 'yon. Kung sino man siya, putangina niya. Bored ba ang taong 'yon kaya gumawa ng ganoon," sabi ni Rainber na ikinatawa ng dalawa. Sila lang dahil wala talaga ako sa mood para tumawa kahit nakakatawa yung sinabi.
Tumawa si Zack kaya napapatingin sa amin ang mga kaklase namin. "Woah, the sympathetic polite child just cursed infront of us," aniya.
"Omg Rainber, did you just cursed someone. Well, that person deserves it naman." Si Nova at tumingin sa may bandang pinto na akala mo ay nandoon yung tinutukoy niya. Hindi ako lumingon sa tinitingnan niya. Nakatingin lang ako sa kanila at nakasandal ang likod ko sa upuan. Nakakrus ang aking braso.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Biglang tanong ng kadadating lang na si Reziak. Hindi ako lumingon sa kaniya.
"Random stuffs lang as usual," sagot ni Rainber.
Napatango tango naman si Reziak na akala mo ay kumbinsido sa sinabi ni Rainber. Pumunta siya sa upuan niya na nasa tabi ko at umupo. Kita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa amin.
"I lack of sleep last night so I'll just gonna sleep." Hindi na niya hinintay ang aming tugon sa sinabi niya dahil umub-ob na siya kaagad.
Lack of sleep pala, ha. Paniguradong may iniisip 'yon. Sino ba namang hindi mago-overthink kung ang ka-date mo sa susunod na araw ay si Erlyse. Bitter na kung bitter, hindi sila bagay.
Dahil nandito na si Reziak, iniba na nila yung topic. Malakas na rin ang mga boses nila dahil hindi na naman 'yon tungkol sa threat. Napailing na lang ako sa kanila at napagpasyahang kumain na lang. Saktong may snacks pa ako sa bag kaya kinuha ko yung bag ko sa likuran para hindi na ako lumingon sa banda ni ano.
Nang buksan ko ang bag ko ay kumunot ang noo ko ng tumambad ang isa na namang sobreng puti. May kutob na ako, paniguradong doon pa rin 'yon galing. Nilingon ko sila, mga nagtatawanan. Hindi naman siguro nila pansin 'no?
"What is that?" Nagulat ako ng biglang nagtanong si Reziak.
Hindi ako tumugon sa tanong niya. Obvious namang sobre ito, bakit magtatanong pa?
"Why are you not answering? Even just looking at me a while ago, you didn't do. Then now, you don't say a word... Do we have a problem mi amor?" Seryosong tanong niya. Tiningnan niya ako diretso sa aking mata. Nilabanan ko kahit naiilang ako sa titig niya.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...