Chapter 25
As time goes by. Ganun pa rin ang nangyayari sa buhay namin. Hindi ko nga expect na tatagal ako dito. Naka-isang taon na ako rito tapos maganda pa rin ako. Pero minsan talaga masama ang daloy ng araw.
Once in a week na dumadalaw si Senyora dito sa Hederos. Minsan kasama niya si Erlyse na ilang buwang hindi pumasok. Tapos bigla bigla na lang susulpot na parang kabote. Panira ng araw.
Huwebes ngayon pero walang pasok. Dineklara kasi na walang pasok edi huwag pumasok. Madali lang kami kausapin. Pero may pupuntahang event sila Reziak. Nag-ayos na sila ngayon dahil hapon na, malapit na maggabi.
Maiiwan lang ako mag-isa dito sa loob ng Hederos. May guard naman sa labas kaya ayos lang. Kaya ang ending, hindi ako totally mag-isa dito sa Hederos.
"Don't let anyone get inside into your room. Kapag nakaalis na kami tapos nasa kwarto ka na, i-lock mo ha." Bilin ni Reziak.
"Oo na, hindi mo na ako kailangan sabihan." Sabi ko. Hindi naman ako bata para sabihan kung ano ang dapat gawin 'pag maiiwang mag-isa sa bahay.
Nasa taas kami ngayon kung saan kita ang ibaba. Kasama ko ang dalawa na sina Rainber at Reziak, si Zack na lang ang hinihintay dahil nasa kwarto pa niya siya. Katatagal naman noon. Ano baga ang pinaggagawa ng lalaking 'yon?
"Just call us or ako na lang kung may kailangan ka. Ngayon ka lang maiiwan dito mag-isa kaya mas maige na ang handa." Sabi niya.
"Isa pa, mananapak talaga ako." Sabi ko.
Natawa si Reziak. "I'm just thinking about your safety. Malay mo, may makapasok na masamang taoㅡ"
"Isa lang ibig sabihin nun, mahina ang seguridad niyo."
"Tumigil nga kayong dalawa... Katatagal naman ni Zack, nahinga pa ba 'yon?" Sabi ni Rainber. Mukhang bored na bored na siya kahihintay kay Zack.
Pa'no ba naman kasi, kanina pa namin hinihintay si Zack. Hindi pa lumalabas sa lungga niya. Ano na ba ang ginagawa nung lalaking 'yon. Imbis na nasa kwarto na ako, nanonood o 'di kaya'y natutulog, pero hindi! Nandito pa rin at naghihintay sa kumag na 'yon.
"Puntahan mo." Sabi ko kay Reziak.
"Bakit ako? Ikaw na lang Rainber."
"Ayoko ngaㅡ"
Bigla namang may narinig akong pagbukas at sara ng pinto. Salamat naman! Akala ko hindi na 'yon dadalo.Napakapa-VIP talaga 'tong lalaking ito!
"Miss niyo naman agad ako mga pre." Sabi ni Zack ng makalapit sa amin.
"Ewan sa'yo. katatagal mo. Tara na nga." Sabi ni Rainber at umunang bumaba sa hagdan.
"Ayan kasi, napaka-tagal. May regla nanaman 'yon. Kayo na bahala do'n ha, yare ka Zack." Sabi ko at tinapik ang balikat ni Zack at sinundan si Rainber.
Nang nasa garahe na silang lahat, namaalam na sila sa akin.
"Ingat kayo!" Sabi ko at kumaway.
Hindi muna ako pumasok sa loob ng Hederos. Hinintay ko munang makalabas ng gate ang sinasakyan nila. Pumasok na rin ako kaagad ng makaalis na sila ng tuluyan. Bago ako pumuntang taas ay sinigurado ko munang naka-lock ang mga bintana at ang pinto. Nang makasigurado na akong naka-lock lahat ay saka ako pumuntang kwarto ko na nasa pangalwang palapag.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong ni-lock ang pinto, katulad ng bilin ni Reziak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Manonood na nga lang ako gaya ng unang plano ko.
Namili ako sa Netflix na papanoorin ko sa gabing 'yon. Mabuti na lang may mga snacks na ako rito tapos may mini fridge kaya nakapaglagay na ako kahapon. Kaya ngayon ay hindi na ako bababa para kumuha ng pagkain kasi nakahanda na.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...