Chapter 14
Nang mai-park na ni Reziak ang kaniyang kotse ay lumabas na ako, lumabas na rin siya at lumapit sa akin.
"Aabot pa tayo sa misa, tara na." Akit niya sa akin. Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad.
Nang makapasok sa loob ng simbahan ay agad kaming naghanap ng pwe-pwestuhan. Do'n kami sa may bandang gitna pumesto. Kaunti lang ang tao dahil weekdays ngayon. Nakinig lang kami sa mga sinasabi ng pari. Tahimik lang si Reziak sa tabi ko.
"Magco-communion ka ba?" Tanong niya nang nagsisimula nang magbigay ng ostya.
"Oo, ikaw ba?" Sabi ko. Tumango lang siya.
Tumayo na kami at humanay na sa pila. Nang nailagay na sa aking bibig ang ostya ay bumalik na ulit ako sa pwesto namin kanina at lumuhod.
"I am extremely grateful for all of your blessings in my life, Lord. And I am so thankful for keeping those around me safe. I just wish no chaos will happen. I recieve a threat today and I don't know who sent it neither who was involved in it. I wish no one will be involved if ever something bad happens to me." Dasal ko sa isipan at umupo na.
Napatingin ako kay Reziak na hanggang ngayon ay nakaluhod pa. Ano kaya sinasabi nito? Curiousity kills. Maya maya pa ay umupo na ulit siya sa tabi ko.
Nang matapos ang misa ay agad niya akong inakit umakyat do'n at bilangan ang hagdan. Mabuti na lang hindi masyado mainit kaya umoo ako. Nagsimula kaming bilangin ng magsimula na kaming umakyat. Napapatigil pa kami dahil inaakit ko siyang picturan ako. Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-picture pero ayaw niya, edi don't!
Nang makarating kami sa pinakatuktok. Nag-picture ulit ako sa paligid. Grabe sobrang taas. I have fear of heights pero i can manage naman. Paano ako matatakot kung ang ganda ng view?
Inakit ko ulit si Reziak mag-picture kami, this time umoo na siya. Nag-ask kami ng stranger kung pwede kaming picturan. Mabuti na lang umoo kaya ibinigay ko ang phone ko at pumesto na kaming dalawa sa gitna. Ngumiti lang ako at nagpapalit palit ng posing.
Habang pinipicturan kami. Nasa amin ang atensyon ng mga tao, or kay Reziak lang. Bakit kasi ang gwapo ng kasama ko? center of attention tuloy. Joke pangit pala si Reziak. Nagpasalamat ako sa nagpicture sa amin ng matapos kaming picturan.
"Pahinga muna tayo bago bumalik sa baba." Aniya.
Tumango ako at naglakad papunta sa gilid para umupo. Umupo rin siya sa tabi ko.
"Mamaya pumunta tayo do'n" Tinuro ko yung lugar kung saan na andon ang Noah's ark.
"Sige. We will just rest to gain energy. Mga five minutes." Sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Bakit mo nga pala naisipang isama ako dito?" I asked.
"Naisip ko kasi kulang ka sa kumpisal kaya isinama kita dito." Sabi niya at ngumisi.
Napairap ako. Baka siya ang kulang sa kumpisal!
"Tigil tigilan mo nga ako, hindi ka naman malinis!"
"Malinis ako."
"Ay weh, talaga ba? Gusto mo bang makatikim ng sampal mula sa magandang Ziram huh?" Sabi ko at kunwaring sasampalin ko siya.
Umiling siya. "Ayoko. Kiss na lang, pwede ba?" He said and smirked.
"Oo naman, pwedeng pwede. Bakit naman hindi?" Saad ko nang nakangiti. "Sa paa nga lang."
"Wala maduga ka."
"Anong maduga do'n? Hahalikan mo lang naman paa ko." Natatawang sabi ko. Sabi niya kiss, eh. Edi kiss sa paa, wala namang maduga do'n may mali lang talaga sa utak niya.
BINABASA MO ANG
The Heirs
Teen FictionZiram Cortez is a heiress and her family is one of the rank five riches family. But no one knows about her being a heiress of Cortez except for her family. Her father has many enemies in the business world, so he decided to hide the truth about Zira...