Chapter 41 : Couples
~ CASSANDRA'S POV ~
Another day at school. It's been a week. Sobrang busy na namin since malapit na ang finals. >__<
Naweweirdan din ako sa mga ikinikilos nila Maggie at Carl. Parang may tinatago sila samin. Pero may tinatago rin naman kami ni Yex eh.
Di parin namin alam kung pano namin sasabihin sa kanila ang mga nangyari noong mga nakaraang araw.
Hanggang ngayon, hindi parin kami nagpapansinan ni Maggie kahit lagi kaming magkasama. Mapa-bahay man o school.
Syempre nagpapansinan naman kaming maglolove birds. Medyo awkward din pag kasama ko si Carl at kasama ni Yex si Maggie.
Ewan ko ba. Ang gulo talaga ng mga nangyayari ngayon.
"So you should...blah blah blah..." Sabi ng prof namin. As usual, hindi naman ako nakikinig sa mga ganitong klase ng subject. Lalo na kapag CLE at English.
Kinuha ko yung notebook at ballpen ko para kumopya ng notes na nakaflash sa board.
Hindi ako mapakali kaya tingin lang ako ng tingin sa relo pati sa mga kaklase ko.
Paglingon ko naman, nagtama ang mga mata namin ni Maggie. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya kaya napalingon naman ako kay Clair.
"Ok ka lang ba Cass?" She mouthed to me.
"Yeah." I answered kahit hindi naman ako talaga ok. Medyo nahihilo nga ako eh. :|
Hanggang sa maya maya lang ay nagring na yung bell. Nagsitayuan na kami at kinuha ang bag sabay labas ng classroom.
Kahit medyo awkward, magkakasama parin kami sa iisang table pag nakain ng lunch.
Nagkatinginan lang kaming lahat at nauna na kong maglakad sa kanila. Naramdaman ko namang sumunod sila sakin hanggang sa makarating kami sa canteen.
Nakita namin yung mga boys na naka-upo na sa table namin kaya dumarecho na agad kami dun. Kumaway naman sila Omi samin.
BINABASA MO ANG
Evil Princess and Gangster Prince [Completed]
HumorHindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.