Chapter 42 : Face to face
~ CASSANDRA'S POV ~
"May gusto sana kaming sabihin sainyo." Sabay nilang sabi, Si Carl at si Maggie.
Ano ba talagang gusto nilang iparating?
Naguguluhan na ko. Halos mabaliw na ko sa kakaisip kung anong gusto nilang iparating.
Kanina si Carl, kaya ba niya sinabi ang lahat ng yun ay nang dahil dito?
Kaya ba...?
"Na...we're arranged." Sabi ni Maggie sabay hagulgol sa iyak.
Napanganga ako. Nanlaki din ang mata ko.
Wait ano?
Hindi nagsink-in sa utak ko yung sinabi ni Maggie.
Arranged? As in arranged marriage?! O__O
Naramdaman kong lumapit sakin si Maggie at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. Yung yakap na alam mong humihingi siya ng tawad.
Naramdaman ko rin ang pagtulo ng mga luha niya. Pati na rin ng luha ko.
Hindi ko na napigilang umiyak din.
"Bakit? Bakit kelangan mangyari to?" Sagot ko habang nahikbi.
Sasagot na sana siya nang bigla namang umepal--- de joke. Bigla naman akong kinulbit ni Yex.
"Kelangan na rin natin sabihin sa kanila." Bigla akong nanigas. Kumalas ako sa yakap ni Maggie at tumingin siya sakin ng nagtatanong.
Nakalimutan ko. Nabigla ako.
Nakalimutan kong pareho lang kami ng sitwasyon ngayon.
Ang tanga ko.
BINABASA MO ANG
Evil Princess and Gangster Prince [Completed]
HumorHindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.