Chapter 38 : Escape
~ YEX'S POV ~
Eto na nga ba ikinatatakot ko eh, ang makaharap siya na totally siya na nga ang nakaarranged sakin.
Hindi ko siya pwedeng traydurin, lalong lalo na sila Maggie at Carl. For sure world war 3 na sunod nito pag nalaman nila to.
Nakaharapan ko siya ngayon at halatang halata mong gulat na gulat siya. Kulang nalang ngumanga siya eh.
Inabot ko ang kamay ko sakanya para makipag shake hands, kala mo hindi magkakilala eh.
"Nice to meet you, Cassandra." Halata sa expression niya na gulat siya na may halong galit.
"Nice to meet you too, Yex." Sagot niya sakin sa napakalamig na tono ng boses niya. -__-''
"So ok! Let's seat and talk about the wedding now---"
"WEDDING?! WHAT?! HELL NO MOM! NO!" Pagdedepensa ni Cassandra. Wala akong magawa, yare ako sa magulang ko pag sumabat ako.
"No Cassandra! This is final! Si Yex ang mapapangasawa mo!" Sagot ng nanay niya sakanya. Buti nalang at walang ibang tao dito.
"Ha-ha-ha. So funny mom. Mahal na mahal niyo talaga ako no? Pati love life ko pinapakelaman niyo. Wow ha!" Sarcastic na sabi ni Cassandra. Bakit ba hindi ako makapagsalita?
"Do something here kuya! Ano nganga-nga nalang kayo?! Isa ka pa Yex! Tumanggi ka naman!" Napatingin ako sakanya na parang nagtatanong.
"WHAT?! Magkakilala kayong dalawa?!"
"Hah. Look. Pati nga pala mga kaibigan ko di mo kilala. BESTFRIEND ko pa nga si Yex eh. Tapos GIRLFRIEND niya yung BESTFRIEND ko at BOYFRIEND ko ang BESTFRIEND niya." Pagdidiin ng mga salita ni Cassandra.
Totoo naman lahat ng sinabi niya eh. Ewan ko ba kung bakit ayaw magsalita ng mga bibig ko. Yung kahit ibuka ko yung bibig ko, alam kong walang lalabas ng salita.
Nakatingin lang ako sakanya at pulang pula na siyang sa galit. Ano pa bang magagawa ko? No choice na rin naman eh.
BINABASA MO ANG
Evil Princess and Gangster Prince [Completed]
HumorHindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.