~ Chapter 46 : Trust

4.2K 55 0
                                    

Chapter 46 : Trust



- CASSANDRA's POV -



After one week, naging busy kami masyado sa school ni Yex. Sa January kami aalis ng bansa. Kailangan namin tapusin ang mga requirements bago magend ang december.



Hirap na hirap na nga kami eh, parang PT dito PT doon. Walang break kumbaga. Tanging tulog lang sa gabi yung pahinga. Ni hindi nga eh kasi aral parin.



Andami na nga naming ginagawa tapos may problema pa. Hindi parin namin nasasabi kila Carl at Mags ang tunay na plano ng magulang namin.



Dadahan dahanin ko lang ang pagsasabi gawa ng alam kong mabibigo sila. Medyo nagtataka na nga silang lahat kung bakit kailangan naming tapusin lahat agad agad.



Hindi na rin kami umattend ng gangster ball sa sobrang pagkabusy namin. Nawalan na kami ng time para magenjoy. Hindi na rin kami masyadong nakakapagbonding ni Carl. Pero baka mamaya kausapin ko si Mags tungkol dito.



Hindi sila sumabay sakin pauwi kasi may mga kukunin pa kong module para pagaralan para sa exam namin. Ewan ko kung sasabay sakin ngayon si Yex kasi alam kong wala cyang dalang sasakyan.



Nagsimula na kong maglakad papunta sa faculty pagkatapos kong ayusina ng pagkabigat kong bag, ngayon lang bumigat ang bag ko sa buong buhay ko.


Rumampa na ko, tutal wala na naman masyadong tao. Akala mo teacher yung naglalakad kasi nakaheels ako, hindi na ko naguuniform tutal paalis na naman kami. Alam na din naman yun ng principal namin, kailangan ko parin sabihin sa kanya kahit kami may ari.


Nagkita kami ni Yex sa faculty room ng mga teacher namin para sabay na kunin yung mga kailangan namin. Alam na lahat ng mga teacher namin kung bakit namin ginagawa to. Pero ni isa sa campus walang may alam tungkol dito kundi kami.



Nababaliw na ko. Tumigil na ko sa pakikipag away. Lahat sila nagtatanong. Pero handa parin naman akong lumaban sa kanila. Naging hobby ko na rin naman yun kahit papano.



Nakuha na naming lahat ng kailangan namin at bumalik na sa kotse. Late na rin at wala na masyadong tao dito sa school. Pero as usual, hindi maiiwasan ang tsismisan.



"Ano bang meron sa kanilang dalawa? Laging magkasama sila Cass at Yex pauwi."

"Diba boyfriend ni Cass si Carl? Bakit si Yex ang kasama nya?"

"Baka sawa na si Cass kay Carl. Omg satin na si Carl!"



Say what? Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Pumasok na kami sa sasakyan ko at nagdrive na.



"Cass, daan tayong starbucks. Pampatanggal stress." Pumayag naman ako. Wala na kong magagawa eh. At eto lang naman ang pwedeng tambayan ng ganitong oras. Feel ko din naman uminom ng frap ngayon.



"Treat mo?" Sabay ngiti ko sakanya na parang nagpeplease ako.



"Sure."



Nagpark na ko sa starbucks. Pumasok na kami at nagulat kami kasi nandun din si Carl at Maggie. Mukang naguusap sila about something. Napalingon sakin si Carl na agad ko namang pinuntahan. Mukang nabigla pa nga ai Mags eh.



"Hey baby." Sabay kiss nya sa cheeks ko. Ang awkward ng atmosphere kahit papano.



"What brings you here?" Tinuro ko nalang si Yex. Alam naman nilang lagi kaming sabay umuwi eh.



Evil Princess and Gangster Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon