~ Chapter 17 : Between two bestfriends

7.2K 138 0
                                    

 CARL JAMES GARCIA'S PICTURE SA SIDE ---->

-------------------------------------------------------------

Chapter 17 : Between two bestfriends

~ CASS'S POV ~

"Mags naman kasi...*huk*"

"Wag ka na kasing umiyak Cass...Kaya mo yan...Malay mo..."

"Pero Mags...*huk* yung nakita ko kanina...*huk*"

 "Shhh...Cassandra...Ok lang yan...Wala yun...Siguro naman magpapaliwanag siya sayo diba?"

"Eh yun na nga eh! Hindi ako nakinig sakanya kanina. Ang tanga tanga ko! *huk* Lagi kasing sumasabat yung Andy na yun! *huk*"

"Tama na Cassandra. Halik lang yun. Wag ka masyadong magpaapekto sa halik, tiaka nakita mo ba siyang magrespond sa halik ni Andy? Hindi naman diba?"

"Hindi nga. Pero kasi...*huk* parang sinadya niya talaga yun? Malayo pa kasi ako sakanya, parang natanaw niya na ko, tapos ayun. Nung alam niyang palapit na ko ng palapit hindi ko inaasahang bigla niyang hahalikan si Carl. *huk* Ang sakit kasi Mags. Sobrang sakit."

"Aissshh! Cassandra gumising ka naman! Kanina ka pa iyak ng iyak eh!"

Hindi ko na alam yung mga sinasabi ko kay Mags, siguro nga dahil na rin to sa nangyari kanina bago ako makauwi ng bahay.

Ang sakit lang talaga? Matapos niya kong nakawan ng halik kanina sa garden, matapon niya kong paasahin sa mga sinabi niya kanina, eto yung makikita ko? Harap harapan pa?

Gosh. Iba pala talaga kapag nagmahal o umasa ang isang gangster no?

Siguro kasalanan ko din naman eh diba? Umasa ako sa mga sinabi niya kanina.

Siguro kung hindi ako umasa sakanya kanina hindi ganto kasakit ang mararamdaman ko.

Tiaka bakit nga pala ako aasa eh bestfriend at katropa ko siya? Ang tanga ko lang talaga. I mean it.

 "Teka nga Cassandra Alviar, bakit ka ba nagkakaganyan? Masyado kang naapektuhan."

Evil Princess and Gangster Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon