Chapter 48 : Paris- CASSANDRA's POV -
"Hello Paris!" Nandito na kami sa Paris. Hindi ako makapaniwala. Dito na magsisimula ang bagong buhay ko.
Ang saya naman.
Not.
Matapos ang graduation at lahat lahat, ready na kaming magaral ulit ni Yex dito para sa college namin. Hindi pa nga ako desidido kung anong course kukunin ko eh. Suguro kung ano nalang yung gusto ko para maenjoy ko rin kahit papano.
Si Carl. I can't stop thinking about him. Parang hindi pa kami ganoon nakakapagsama tapos paghihiwalayin agad kami.
Pero sabi nga, Distance doesn't matter if two hearts are loyal to each other. Boom.
Dumating na ang sundo namin na si Kuya Alvin, oo si kuya. Siya kasi ang nagasikaso kung saan kami titira ni Yex. At sa isang hotel kami titira. Pero ok na rin, bespren ko naman ang kasama ko eh.
"Hello my baby girl. Tired?" Ngimiti cya at tumango naman ako. Ang sakit ng ulo ko. Jet lag siguro.
Hinigit na namin ang bagahe namin papunta sa kotse ni Kuya. Well, si Kuya ang naghigit ng bagahe ko. Pumasok na kami at nagsimula na magdrive si Kuya. Wala pa akong kaalam alam sa Paris pero nakapunta na ko dito noong bata pa ako.
Nakatulog ako sa byahe, nakasandal ako sa braso ni Yex, pati pala cya nakatulog na rin. Ginising nalang kami ni Kuya nang nasa harapan na kami ng hotel. Bumaba na kami at sinundan si Kuya. Ang mga staff na daw ang bahala na pagdadala ng gamit namin sa room.
Pagpasok namin ng room, ang ganda nya. At ang saya ko kasi dalawa ang bedroom. Magkahiwalay kami ng room. Kasi panigurado sobrang gulo ng room ni Yex kaya ayoko makishare.
Ayoko ng magulo.
Humiga na agad ako sa kama at niyakap ang unan na kasing haba ko. Oh gosh, heaven. Bed, I love you.
Natulog na ko. Haaaay. Ansarap matulog after ng ilang oras na byahe.
BINABASA MO ANG
Evil Princess and Gangster Prince [Completed]
HumorHindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.