Chapter 2 : Us vs. them
~ CASS'S POV ~
Bumalik na kami ni Clair sa classroom, break time na naman eh. Gutom na ko grabe! Nakakainip mag-intay sa loob ng guidance office.
Bago kami pumasok...
*BOOOGSHHHH!*
Hala! Ano yon?! O___O
Nakita ko nag-aaway nanaman ang grupo namin at grupo nila Clair.
Si Micha nagbato ng mga libro malapit sa may blackboard kaya ang lakas ng sound sa labas.
Si Grace naman sinasampal ung ibang kagrupo nila Clair.
Nagtatalo naman sila Anne at Marie. Malay ko ba kung anong nangyari dito?
Nashock nalang kami ni Clair ng pagpasok namin sobrang gulo na ng classroom, ung mga boys naman namin wala lang nanonood lang sa pag-aaway ng mga girl. Wala naman kasing teacher tuwing break time. Naka tingin lang sila like -___-
"Oh Mags, anong nanaman nangyari dito? Halos araw-araw nalang ganto pag recess eh"
"Kaya nga eh, malay ko diyan sa mga yan, tahimik na nga lang kami ni Pam dito eh nagkagulo nanaman sila Micha. Tss." At oo, laging palaban si Micha sa grupo nila Clair. Masyadong mainitin ulo nito. Mas malala pa pala to sakin hindi ko akalain.
"Teka Mags, wala ba kayong dalawa dito kanina nung nagsimula ang away?" Siguro nga?
"Wala, may pinuntahan kami kanina eh. Tapos yun, pagdating namin dito nag-aaway na tong mga to,"
"MICHA! Ano nanaman bang kaguluhan to? Siguradong ikaw nanaman may kagagawan nito!" Sigaw ni Clair kay Micha, teka ano nga bang nangyari? Hindi din naman alam nila Mags at Pam ang nangyayari eh.
BINABASA MO ANG
Evil Princess and Gangster Prince [Completed]
HumorHindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.