~ Chapter 1 : In the University

36.2K 423 8
                                    

Chapter 1 : In the University



~ CASS'S POV ~



"CASSANDRA DREAM ALVIAR!" Sigaw ng teacher ko ngayon na halatang iritadong iritado na samin.



Eto nanaman 'tong masungit kong prof. Lagi namang masungit to eh, kala mo laging monster mode sa ginawa niya. And... hindi bagay.



"FRANCES CLAIR ROMEO!" Sigaw niya ulit sabay turo saming dalawa. Parang nasayaw lang ng to the left to the right. Ang korny nga eh.



Oh, by the way, si Clair, ang aking Mortal Enemy dito sa university since dati pa and until now. Hindi na magbabago yun. Pero friends kami nun dati, ewan ko nalang kung ano nang nangyare.

Siya nalang lagi ang kaaway ko at laging nagsisimula ng gulo dito, ilang beses ko na rin namang nagiging kaklase to eh. So sanayan nalang.



Kaya eto nanaman! Lagi nalang! Natawag nanaman ang pangalan naming dalawa dahil sa pagsigaw sa harapan ng prof namin habang nagsasabi ng mga important details tungkol sa topic namin at project na gagawin.



Siya nanaman nagsimula nito. Magtataka ka pa ba? Syempre hindi na no. Parang sakit lang yan, nakakaimmune.



"YOU! MS.ALVIAR AND MS.ROMEO! GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW!" No need to tell sir.



"BUT SIR---!" Pag tanggi niya nanaman, lagi naman siyang ganyan eh. Lakas ng loob gumawa ng gulo tapos pag napagalitan na kala mo kung sinong inosente na nagsasalita. Pero syempre trip trip lang.



"NO BUTS MS.ROMEO!"



"NOT AGAIN!" Pagkamot niya sa ulo niya na halatang acting lang.



"KASALANAN MO NANAMAN TO CLAIR!" Kunwaring drama ko. Oo, drama. Hindi bagay sakin yung ganto, para kong batang nagsusumbong!



"ANONG AKO?! IKAW KAYA NAGSIMULA DIYAN!" Sige ako daw, ako. Sige!



"STOP MS.ALVIAR AND MS.ROMEO! GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW! OR ELSE---"



"Ok ok chill sir! Wag naman masyadong high blood. Baka hindi ka na makapasok the following days. Hahaha!" Nagtawanan ang mga kaklase namin ni Clair. Kahit ako natawa eh. Pero hindi ko pinakita syempre. Magmumuka akong you know?



Hay nako kahit ganto 'tong si Clair, makulit din minsan kapag walang magawa at kapag napagtitripan ang teacher namin.



Sabay na kaming lumabas ng pinto habang nagtatawanan parin ang mga kaklase namin. Ano bang masyadong nakakatawa dun? Parang yunlang naman ang sinabi ni Clair ah? What's so funny?



"Si Cass may nakadikit sa likod! Hahahahah!"



"Hahaha! Cassandra! Hahaha!" Pagtawa ng mga kaklase ko.



Hindi ko muna pinansin ng medyo makalabas na ko, hinablot ko yung papel na nasa likod ko.



Pagkahablot ko, sabay binasa ko yung nakasulat dun at sa sobrang galit ko, nacrumple ko ng todo yung papel sabay bato sa teacher namin. Anong pake ko kung tamaan siya?



Leche ka Clair! Alam kong ikaw ang may gawa nito!



"SINO MAY GAWA NITO HA?!" Padabog kong sinipa yung pinto sa classroom. Syempre gulat nanaman sila sakin. Takot naman sila pag nagagalit ako eh.



Evil Princess and Gangster Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon