Chapter 43 : Ideas
- CASSANDRA's POV -
"Cass, pwede ba tayong magusap?"
Kinabahan ako.
Inexpect ko na naman to eh. Ano pa nga bang maitatanggi ko?
"Pwedeng bang sa sala tayo? Baka magising si Micha eh." Sagot ko ng pabulong at nauna na kong maglakad papunta sa sala.
Hindi ko na inintay yung sagot nya, narinig ko namang tumayo na rin cya at dumarecho na rin sa sala.
Umupo kaming dalawa sa sofa, magkabilaang dulo nga lang. Nagiiwasan nanaman kami.
"Cassy, bat ganun? Bakit nila kailangan gawin to satin?" Nagsimula nanaman cyang maiyak.
Hindi ko natiis yung sarili ko na tabihan cya at yakapin. Tutal magbestfriends naman talaga kami diba?
Niyakap nya ko pabalik na naging dahilan ng pagiyak ko na rin.
"Hindi ko maintindihan Cass. Bakit ganun? Pwede namang si Yex nalang ang akin at si Carl ang sayo."
"Kung pwede lang bang magexchange nalang ba eh, pero hindi ganun kadali yun Mags."
"Alam ko Cassy. Pano na to? Hindi ko na alam gagawin ko!"
"Just relax, makakaya natin to. Tayo pa kaya?"
"Alam ko. Pero ang hirap nila kumbimsihin. Hindi sila nakikinig bakit ganun?"
"Hayaan mo na sila. I know na ginagawa lang nila yun para satin in the near future."
"E d sana hinayaan nalang nila tayo na magdisisyon ng sarili!"
"Hindi ko rin naman alam sa kanila kung bakit nila kailangan gawin to."
BINABASA MO ANG
Evil Princess and Gangster Prince [Completed]
HumorHindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.