Chapter 39 : Conflict
~ CASSANDRA'S POV ~
"At san naman kayo nanggaling?" Bungad samin ni Maggie habang ang sama ng tingin sakin.
"Sa meeting ng company namin." Simpleng sagot ni Yex. Napatingin naman ako kay Yex pero kinurot niya ko sa braso na parang 'makiride ka nalang'.
"At bakit namumugto ang mata mo my dear Cassandra?" Pang aasar ni Maggie sakin. Ano to hot seat?!
"Umiyak siya gawa ng nandun pala ang parents niya. Namiss niya lang sila, lalong lalo na ang kuya niya. Hindi niya akalain na nandun sila." Depensa ni Yex.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko Mr.Dela Cruz." Sobrang talas na ng tingin sakin ni Maggie habang naka crossed arms.
"So ano nga ang dahilan Ms.Alviar?"
"Yun lang naman talaga ang nangyari eh." Sagot ko at tinry maglakad ng ayos kahit masakit parin ang paa ko.
"So hindi ka mag-eexplain sakin kung bakit ala-una na kayo umuwi ng boyfriend ko?!"
"YUN NA NGA ANG DAHILAN EH. HINDI PA BA SAPAT YUNG DAHILAN NA YUN?!" Sinigawan ko na si Maggie at inawat na ko si Micha.
Bakit Maggie? Pag sinabi ko ba sayo ang totoong dahilan matutuwa ka?
Naglakad ako papunta sa kusina para uminon ng tubig. Pero bago nun, sumigaw muna ulit ako kay Maggie.
"At bakit Maggie? WALA BA KONG KARAPATAN NA MAKASAMA ANG BOYFRIEND MO? MAGKAKATROPA TAYO TANDAAN MO YAN."
Uminom na ko ng tubig at dumarecho sa sala kung nasaan silang lahat. Pero hindi ako nakatagal dun, parang lagi nalang ako pinapatamaan ni Maggie ngayon.
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at umiyak nanaman. Niyakap ko yung unan ko at pati yung teddy bear ko.
"Kung siya ba ang nakakalagayan ko ngayon...matutuwa ba siya?"
"Malamang hindi." Nagulat ako ng may sumagot sa tanong ko. Si Carl pala.
BINABASA MO ANG
Evil Princess and Gangster Prince [Completed]
HumorHindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.