"You ready? You need to be there 30 minutes before the flight." Mom spoke. He stood in front of me before fixing the black cap in my head.
"I don't care about that flight. Mas mabuti nang mahuli para di ako makapunta." I uttered na hindi tumitingin sa kanya.
She stopped what she's doing, then I heard her took a deep breath.
"Fine. Kung di mo to kayang gawin para sakin, you can't take the flight." This time I looked at her, and I saw sadness in her eyes.
"Ayaw naman kitang pilitin sa ayaw mong gawin." She added. Akmang aalis na sana siya nang magsalita ako.
"Akin na ticket ko."
She look at me like she's trying to read my mind, but what stopped me was her smile.
Lumapit siya ulit sakin saka hinawakan yung kabilang pisngi ko.
"I know you can do this. You're my daughter Lisa." Her words are simply comfort for me, pero gagawin ko lang naman to para sakanya.
Pilit akong ngumiti bago niya ako niyakap.
"I'll visit you there kapag natapos na ako dito. Tomorrow, you need to be there early." She said kaya tumango nalang ako.
"I'll go now." Sabi ko. Tumango narin siya saka ngumiti sakin pero nakaharap padin sakin.
"Alam kong madalas ko lang tong sinasabi sayo pero mahal kita anak. Lagi mong tatandaan yan." Huling sabi niya bago ako umalis.
I wanted to tell her, I love her too. I really do. She's my mother, and I know she loves me.
Hindi lang talaga ako sanay gawin ang mga bagay nato lalo na't alam kong may mga maaalala ako dun.
"Oh? Nasan yung luggage mo?" I look at my brother na naka white polo, and tight black jeans habang nakasandal sa color green niyang sports car.
"Nauna na sa eroplano." Tipid kong sagot saka pumasok sa kotse.
Siya kasi maghahatid sakin sa airport. Kaya ko naman mag commute eh, but he insisted.
"Seryoso ako, di ka magdadala nang gamit?" Tanong niya nang makapasok sa sasakyan.
"Kita mo namang walang gamit eh. Gusto mo kuha ako dun ikaw na yung pumunta nang Korea?"
I know he's fuming in anger, pero alam ko rin na di niya ako kayang saktan. Hangang salita lang naman kasi siya.
Hindi na siya nag salita pagkatapos nun at nag drive nalang na parang galit gustong manakit.
Nagkasama lang ulit kami ni kuya nang maka-graduate ako nang college, that was just last year.
Dad died dahil sa sakit niya at di man lang siya nagawang alagaan nang ibang pamilya niya. Kuya was there hanggang sa nawala siya at dun pa kami umuwi ni mommy.
Buti at may naipamana pa siya sa kapatid ko kahit wala na sakin.
Mom do have properties here dahil sa mga magulang niya kaya kahit papano hindi rin naman ako sa sampid sa lugar nato.
Si kuya naman bumalik na sa bahay, ayaw niya makisama dun sa ibang pamilya ni Dad kaya magkasama na kami sa bahay.
Kahit papano may naging pinagsamahanan naman kami. Di lang talaga kami nagkakasundo sa mga maraming bagay lalo na't wala ako sa mood.
Si kuya naman sobrang kulit niya. He likes teasing me, mas iniinis niya ako lalo kaya wala kaming ibang magawa kundi magbangayan at kung pwede lang araw araw kaming magsusuntukan.
Nagkakasundo lang siguro kami kapag inaaya niya akong mag movies sa labas, maglaro nang games, saka mag roadtrip.
Nasanay narin naman siya sakin kahit papano, pero yun nga lang parang mga aso't-pusa kung magkasama.
"Nandito na tayo." Rinig kong sabi niya.
Nakapikit lang ako ngayon kasi gusto ko lang. Wala namang masama pumikit diba?
"Lisa ano ba. Sipain kita dyan." I rolled my eyes mentally.
Alam ko namang wala pang 30 minutes eh. Mahaba pa masyado and oras na pwedeng i tulog ko. Sadyang gusto lang talaga nilang mawala ako nang maaga.
"Lis--
"Ang ingay mo naman! Ipasok mo kaya tong kotse dun sa loob no?" Pagalit na sabi ko pero imbis na magalit siya tumawa pa nang malakas.
"Leche kaba? Sinong sira ulong magpasok nang kotse sa entrance nang airport ha? Minsan wala kang utak." I frown.
Ako pa walang utak ngayon?
"Kung di mo gets ikaw ang walang utak. Punta ka nang mental nang malaman mo gano kaliit yan." Sabat ko.
"Alam mo? Ewan ko sayo. Bumaba ka nang kotse, bumili ka nang tubig na malamig nang hindi ka pumutok sa init. Sho!" Sabi niya kaya bababa na sana ako nang di ko pa naman pala na hubad yung seatbelt.
Ahhhh!
Narinig ko nalang siyang tumawa.
"Ayan kasi. Sa susunod hindi lang yan aabutin mo."
"Pwede ba tumahimik kana? Nang iinis kaba ha? Pasabugin ko tong color green mong kotse eh." Inis na sabi ko saka bababa na sana ulit nang di ko pa naman pala talaga na hubad yung seatbelt.
"Isa pa to eh! Napaka mana sa may-ari." Dagdag ko saka pwersang kumawala nang di ina-unlock yung belt.
"Hays. Kelan kaba babait no? Pati kotse ko inaaway mo." Rinig kong pabulong na sabi ni kuya pero di ko nalang pinatulan.
Kinuha ko yung passport, earphone, saka cellphone ko, at mga ibang kailangan bago lumabas nang kotse at padabog na sinara ang pinto.
"Pakabait ka dun ah?"
Lintik na... Lumabas pa talaga para mang inis oh!
"Wag kang umasa. Hindi nako babait." Sabi ko saka nagsimula nang maglakad.
Kita ko siyang kumaway sa glass wall nang entrance kaya tinaas ko nalang ang kanang kamay bago pumasok sa loob.
Hindi naman to ang unang beses na pumasok ako sa airport at sumakay nang eroplano.
Nakakapagod lang isipin yung oras na nakaupo sa upuan habang pinapakinggan yung mga taong malakas humilik.
Kala mo naman hindi nakatulog nang ilang taon.
Nang makapasok ako sa Airport, they checked my tickets bago nakapasok sa loob saka hinintay yung flight ko for about 20 minutes.
Sabi ko naman kasi maaga pa eh. Saka wala namang hassle sakin since wala naman akong dalang gamit bukod sa cellphone at earphone ko saka ibang papers.
"Uhm, excuse me." Someone spoke pero wala akong balak tignan siya.
"Uhm, that's my seat." I greeted my teeth kasi parang maiinis na ako eh.
Kakaupo ko lang tapos tatayo nanaman? Edi sana naglaro nalang kami.
"Eh ba't wala ka dito kanina?" I asked pero hindi parin nakatingin sa kanya.
"Uhm, what? I- uhm, sorry. I don't understand. I just came from the restroom, so(r).."
I took a deep breath saka tumayo.
Gusto ko kasi talagang nasa malapit sa bintana eh kaso tong babaeng to di nalang dinala yung upuan sa restroom nang di maagaw nang iba."Thank you, and I'm sorry." She said nang makaupo na siya sa pwesto niya.
Hindi nalang ako nagsalita at umupo sa unang seat kung saan katabi ko padin siya. Ni-lock ko yung seatbelt saka nagpatugtog. Yung di ko na maririnig mismong boses nang utak ko.
Di kalaunan gumalaw narin yung eroplano. Winalang bahala ko nalang at pinikit ang mga mata.
Sana pag gising ko nakalapag nato.
YOU ARE READING
I THOUGHT
FanficA story wherein Lisa experience unwanted experience in the past that made her the worst version of herself. Unexpectedly, she happen to met these people who wants to be part of her life and willing to help her. Will they change her perspective about...