Chapter 25

66 4 0
                                    

"Club Punta Fuego here we go!" excited na sigaw ni Lena habang patakbong sumakay sa SUV ni Dr. Lee. Or should I say sa SUV ng boyfriend niyang si Will.. Ang cute nilang dalawa. Napapangiti nalang kami ni Joshua pag nagpapapansin si Lena. Para siyang bata. Isipin mo yun. Ang maangas at supladang si kapre  naglalambing. Not so like her. What else can love make to a simple human being. Sharot.

Its a wonderful day and I am not gonna waste it. Kung ano man ang nangyari kahapon. I decided to forget it or treat it like it never happened. We will enjoy. Me, my son and my best friends.

I was smiling alone habang pinanunood silang apat. Like me, they're very excited. Busy sila sa kanya kanya nilang mga task. And dalawang macho boys ay abala sa paglalagay ng mga gamot. Si Lena at Juan naman ay nagkukulitan at nagtatawanan.

I went inside the apartment to double check the locks. From the windows to the doors. Pinuntahan ko din ang unit ni Joshua. It was all set when Joshua run to me and gave me a hug. Nagulat ako sa ginawa niya but I choose to hug him back.

I suddenly felt sad because I was bidding something from him.
Guilty ako kasi may nililihim ako sa kanya. Pero  nawala ang guilt ko nang maalala ko na may lihim din pala to tungkol sa love life niya. Kumalas ako sa yakap niya at tinigan siya.

Kakaiba ang aura nito ngayon. Kahapon parang pinagsakluban ng langit kasi hindi makakasama samin. Dagdag pa ang nagsitambakang trabaho niya. Pero ngayon positive. Maganda siguro naging panaginip nito.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Matapos niya kasi akong yakapin ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. We are now on our way out of his unit's gate.

"Oo naman." Nagtataka man sa tanong ko. Masaya parin niya akong tinugon. "Its been a while since we had a trip like this." Pag-papatuloy niya. "HHWW"  Maintriga siyang ngumiti sabay taas ng magkahawak naming mga kamay. Bading lang, pa sway-sway pa. Ang arte talaga minsan.

"Kaya nga eh. Kita mo naman si kapre sobrang ecstatic." Sabi ko sabay nguso sa bungisngis na si Lena. Kanina pa yan. Hindi na talaga napagod sa kakangiti.

Tumawa naman si Joshua. "Naku, ang sabihin mo parang nililiyaban yan sa sobrang kilig." Nakitawa na din ako sa kanya.  Its her first kaya siguro nag-uumapaw ang tuwa na nararamdaman niya.

Dumaan muna kami sa dalawang bata sa kabilang unit. "Luigi. Nika." Tawag ko sa dalawa.  Mga kapitbahay ko sa Iloilo ang dalawa. They decided to study here. The same university na pinag-aaralan ni Joshua. And the university I used to be in.

Humahangos na lumabas si Luigi. In fairness sa batang to, ang gwapo. No wonder kung bakit sobrang crush siya ng kapatid kong si Leila.

"Good morning po ate Baby,kuya Josh." Magiliw na bati nito.

"Hindi ba talaga kayo pwedeng sumama Lui?" Joshua really wanted to bring the two. Dinaan niya talaga ang dalawa kagabi just to ask them to go with us.

"Sorry kuya, hindi  po talaga pwede eh. Gustuhin ko man. Pero hindi ko po pwedeng iwan si Anika dito ng mag-isa."

"Sayang talaga, biglaan din naman kasi ang plano ng ate baby mo kaya tuloy." He look down to me eyeing me sharply. Those singkit eyes. I just shrug my shoulders and smile to him. Lalo lang niyang hingpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

"Sorry talaga Luigi huh. Promise next time I'll plan it when you're free." Gusto ko din naman silang isama kaso may sleep over pala si Anika. Luigi who happens to be her best friend never, as in never left her alone. Kahit noong nasa Iloilo. This two were inseparable.

"Okay lang po yun ate. May next time pa naman po eh." I was about to give him my unit's key nang biglang sumigaw si Anika.

"Balti, sumama kana." Ang batang to talaga. Naka tapis lang tuwalya. Tumutulo pa ang mga buhok niya. Halatang kakalabas lang ng banyo.

It was not a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon