Chapter 19

37 2 0
                                    

"Shuuuta!!" Napamura ako ng makita ko ang dress na sinasabi ni Lena. Napangiwi lang naman si Joshua sa naging reaction ko. Yes, Joshua is home. Maaga siya ngayon kasi nag absent sa school. Late na daw kasi

Ano ba kasi ang iniisip ni Lena. Alam niyang hindi talaga ako sanay sa mga dress. Yung kanina nasuot ko lang yun kasi nga nagmamadali na ako. Pero now. Naman oh.!

"Hindi mo ba gusto?" Tanong ni Joshua na parang ewan ang expression ng mukha.

"Eh kasi naman.. Ay!. Si Lena talaga." Kung hindi lang himbing na himbing si Juan. Malamang nagising ko na ang bata. Napalakas kasi ang boses ko.

Actually maganda siya, its a sleeveless black dress. Na may ternong black doll shoes. Yun lang ata ang kinatuwa ko. Na walang takong ang sapatos. Simple lang ang damit pero ang bagay eh ----- Maiksi. Yung kanina nga parang ewan na ako kakahatak pababa kasi above the knee. Pano naman to na parang ilang inches lang haba mula sa hita ko.

Hindi naman siya revealing. Pero kasi. Hindi talaga ako sanay na mag expose ng skin. Manang na kung manang pero nasanay ako sa mahaba. Oo na nagka anak na ako't lahat. Pero hindi talaga ako sanay. Mamaya mabusohan pa ako sa jeep o di kaya sa trysicle.

"Ayaw mo ba? Kung gusto mo fit mo muna. Try lang.." What's with this dress na parang bigla atang nalungkot ang mukha ni Joshua dahil sa reaction ko. Itinaas ko ang dress at ipinantay sa akin. Joshua's just staring at me. Waiting for me to agree with the idea of fitting it.

And so I did. Bumababa ako para magbihis. And confirmed. Maiksi nga. Hindi pa naman kagandahan ang legs ko. Hindi rin ako maputi pero hindi din naman ako maitim. Yung tama lang.

Pinagdilatan ko ang reflection ko sa malaking salamin sa banyo.

I look slimmer and na emphasize ang skin tone ko. I look my age. Not the serious single mother that I was. A lighter mood. Parang doll ni binihisan ng batang may-ari. The thought of it made me smile.

-------

"Baby, I knew I'll find you here ."

"Kuya." Yun lang ang kaya kong sabihin. I've been crying and hiding here for like two hours.

"Hinahanap kana nila. Nag-aalala na silang lahat sayo. Halikana. Dumidilim na. Saka baka makagat ka na naman ng langgam diyan."

"Ayoko kuya. Ang dami daming tao sa bahay." I hate it pagmadaming tao. Bakit kasi gusto nila na madaming tao. Alam nila na ayokong may ibang tao. Pagtitinginan na naman nila ako.

"Baby, may nanggulo na naman ba sayo? Inaway ka na naman ba ng mga classmates mo?" Hindi ako sumagot. Ganun naman talaga. Everyday naman kasing ganoon. They bully me. Kaya ayoko sa mga tao. Pagtinittigan nila ako parang feeling ko pagtatawanan nila ako. Mahina ako. Takot ako sa tao. Hindi tulad ng mga ate. I'm different.

It was not a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon