Chapter 17

37 5 1
                                    

It's been a long day for everyone. After kasi ng meeting nila Joshua at Atty. Alvarez  biglaang nagkaroon ng inspection ang bawat department. Though regular na binibisita ni Atty. ang bawat department pero mas naging rigid yung ginawa niyang paglilibot ngayon. Buti na lang talaga at nagawa ko na ang lahat ng reports na na-assign sa akin.

Masyado pa namang mahigpit yun. Kaya ginagawa ko  agad yung trabaho ko. Mahirap na baka  sermon pa ang maagang pamasko sakin ni ninong.

Tapos ko ng ayusin ang mga gamit ko nang may kumatok sa pintuan ng office ko.

"Pasok" mahinahon kong tugon. Labasan na, sino naman kaya to?

Dahandahang bumukas ang pinto. Pero parang ayaw naman pumasok. "Pasok" muli kong sabi. Hiya hiya pa daw.

Dinampot ko na ang bag ko at nilapitan ang parang  takot pumasok na nilalang.

Nilalang parang maligno ang dating ah.. Ano ba naman to kabahan ba naman ako sa mga pinagsasabi ko. Liana tinatakot mo pa sarili mo. Duwag ko talaga.. Ay ewan.

Breathe in breathe out..

Bago ko paman tuluyang mahila pabukas ang pinto. Biglang lumitaw ang napaka cute na babae. Cute kasi mas matangkad ako sa kanya.. Hehe.. Wala lang feeling Giant kasi ako minsan pag magkasama kami nito.

"Tanya ikaw pala!" Bahagya pang napalakas ang boses ko. Araw ba ng gulatan Liana ito? Nakakarami na ako ngayon. Ngumisi lang naman siya sa akin.

" Akala ko kung sino. Parang ayaw mo pang pumasok." Panunuya ko sa kanya. May balak talaga sigurong gulatin ako.

"Sorry Liana, parang ala akong energy now. Kaya parang ayaw kong mag move. Na drain talaga ang pawers ko sa mga pinag-uutos ni Sir Joshua. Graveee talaga." Pailing iling pa at parang weak na weak niyang kwento.

Napakunot lang  ako sa sinabi niya. Gusto ko sanang magtanong kung bakit pero hinatak na niya ako palabas.

"Teka ikaw ba talaga ay na drain ang energy? Makahatak ka naman sa akin. Hello nakatakong po ako ngayon. Dahandahan pwede!?" Parang naguumapaw naman kasi sa lakas kung makahatak. Hindi man lang kinonsider ang takong at girly dress na suot ko.

"Sorry Liana I wanted to go home na kasi. I want to sleep na talaga." Nakasimangot pa siya habang sinasabi yun.

At ayon dahil nga wala daw siyang energy eh halos tumakbo na ako sa bilis niyang mag lakad. Ang liit na babae tapos wala pang energy sa lagay na to. Pano nalang kung full charge siya. Ano ako makikipaghabulan sa nagkakarerang kabayo.

Pero bago paman namin malampasan ang opisina ni Joshua. Hinablot ko muna si Tanya. Gusto ko munang magpaalam sa boss niya.

"Tanya wait lang." Lumingon naman agad ito  at nagtaka pa kung bakit ko siya pinigil.

"Bakit? May nakalimutan ka ba sa opisina mo?" Malumanay naman niyang tanong.

"Wala naman. Pero gusto ko sanang magpaalam kay Joshua. Saglit lang ako promise." Sumimangot kasi bigla. Napagod nga talaga siguro ang cute na to. "Mabilis lang naman ako." Pahabol ko pa.

"Oh sige pero Liana bilisan mo huh. Saka pag tinanong ni Sir kung ako yung kasama mo sabihin mo hindi  ah."

"Huh? Bakit naman? Saka sino ang sasabihin kong kasama ko eh diba nga alam niyang sabay tayo." Bigla akong naguluhan sa kanya. Hindi siguro nagpaalam to.

"Ay oo nga noh. Pero pag nag tanong siya tungkol sa akin sabihin mo masakit ang ulo ko saka kailangang ko ng umuwi huh."

"Teka Tanya ikaw ba eh may trabahong hindi natapos?" Bakit nagdadahilan to ngayon eh dati  parang ayaw umuwi kasi ayaw mahiwalay sa gwapong best friend ko.

It was not a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon