Chapter 31

14 1 0
                                    

Wala ngang sampong metro ang tinakbo ko pero parang  ma hihimatay na ako sa hingal. Tinalo ko pa ata ang sampong kilometrong tinatakbo ni kuya Albert pag may marathon sila sa Iloilo.

Tagaktak din ang parang yelo'ng natunaw sa lamig na pawis ko. Dahil ba to sa lakas ng aircon dito? O dahil sa kaba na nararamdaman ko? Parang sumakay ako sa eroplanong walang bubong dahil sa gulo ng buhok ko.

Mukhang nag-kagera sa loob ng bag ko.  Inulan pa ng tea ang kawawa kong bag. Hindi ko ba naisara ng maayos ang thermos ko kanina?

Sobra naman sa timing to. Hinawaan ba ako ni Alexander and the terrible, horrible, no good, very bad day ng kamalasan. Masyado ata akong  disoriented na hindi ko man lang na notice ang tao'ng sobrang na eh-entertain sa Phineas and Ferb snow globe ko. Habang komportableng naka de kuatro sa mesa ko.

"Kanina pa kita hinihintay baby. How's Jua.." Hindi na niya natapos ang tanong niya nang makita niya ako. "Anong nangyari sayo'ng bata ka?" gulat at may pag-aalalang tanong nito. Ibinaba niya ang snow globe at mabilis na lumapit sa akin.

"Liana, anong nangyari sayo? You looked abused?" kunot noong tanong niya habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa.

Pilit ko namang inayos ang sarili ko. Abused. Sobra naman. "Eh kasi ninong, may nakabungguan akong kung sino kaya ayun." Kung sino. Kung sino pa kamo yung ini-iwasan mo yun pa makakasalubong mo.

"Huh? Bakit? Ano o sino ba yan? Para kang binitin patiwarik Baby. Nasama ba sa pag  talsik mo  ang utak mong bata ka? "

"Ninong naman." Actually nasama po pati kalulowa ko. Syempre gusto ko mang sabihin yu'n hindi ko na ginawa. Baka kasi hindi lang ako laitin ng ninong slash boss ko. Baka batukan pa ako.

Binalik niya ulit ang attention niya sa snow globe ng happy ending ni Phineas at Isabella. Buti pa si  Isabella after thirteen years of keep coming back sa back yard ni Phineas nag ka-aminan din. It's never too late for a happy ending. Bago pa man ako tuloyang ma ingit sa love life ng favorite cartoon characters ni Juan umikot na ako sa mesa ko at nag halongkat ng suklay. Ang sagwa pala kasi talaga ng itsura ko.

"Teka po, diba may meeting kayo sa kabilang tower? Ba't kayo nandito?" Taas kilay kong tanong Kay Atty. Alvarez habang paunti-unti kong  ina-alis ang mga buhol  sa buhok ko.

"Meron kasi akong na move na meeting. Saka nandoon naman si Joshua to take over. Bakit parang ayaw mo atang nandito ako?" That look. Pang cross examination lang yan dapat eh. Bakit parang hindi na ako na sanay sa intimidating looks ng ninong ko?

Hindi naman sa ayaw. Parang any minute kasi may puponain kayo sakin. Sa isip ko, ano kaya sasabihin nito. Sinadya pa kasi niya ako dito. "Ako po? Ayaw na nandito kayo? Hindi ah." Sus nagtampo pa to.

"Ah, akala ko ayaw ng Baby ko. Teka. Nagkausap na kami ng Papa mo. You don't have to work on Friday. Baka mahirapan kayo ni Juan sa byahe papuntang Pampanga."

"Naku. Susondo-en naman kami ni Kuya Ruben. Hindi naman ganoon ka layo ang Pampanga Nong."

"No. Mas okay na maaga kayo. Para makapag pahinga kayo ng bata. Saka para matagal din ang stay mo doon. Malamang na mi-miss ka na ng mga tao ninyo."

Sa katunayan nasa Law school pa ako ng huing punta kodoon. "Pero may mga details pa po akong kailangang ayusin para sa Conference next week. Dapat ma-approve po yu'n lahat." May mga  part pa kasi ng program na hindi  pa na-aayos. Kailangan pa kasi ang approval ni Atty. Hidalgo.

"I'm pretty sure your ideas about the conference will do good. You've been doing this for years. Dumaan lang naman talaga ako to tell you about Friday. Your Papa needs  a hand with the harvest Baby. He won't be able to come."

It was not a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon