Chapter 10

35 4 0
                                    

Nagpatiuna na ako sa kanya. Kailangan ko kasing mabuksan ang pinto para sa kanya.

"Salamat" sabi nito sa akin sabay ngiti. Nawawala na nman ang mga mata niya pag ngumingiti ng ganyan. Ang cute, sarap kurotin. I emmediately fix the pillows bago biya mailapag si Juan. Kinumutan naman niya agad ito at muling inayos ang mga unan para maayos ang ulo ng bata.

Tulog na tulog talaga ang batang to. Sa lahat ata ng pwede niyang ma mana sa akin eh yung tulog mantika ko pa talaga ang nakuha niya. Ganoon kasi ako. Kaya itong si Joshua hindi napapakali pag wala akong ibang kasama sa gabi. Hindi ko kasi masyadong nararamdaman ang paligid ko pag himbing na himbing ang tulog ko.

Umupo ako sa maliit kong bed. Hindi naman ganun kaliit pero hindi talaga ideal para sa aming tatlo. Si Joshua naman ay nakaupo lng sa tabi ni Juan. Mayamaya lang ay tumayo siya para ayusin yung aircon.

I was holding my neck nang bumaling ito sa akin.

"Masakit ba?" tanong nito

"Hindi naman parang nangawit lng ng onte." Agad naman itong lumapit at tumabi sa akin.

"Lapit ka sakin." Aniya.

I move closer to him. Sana sipagin to at masarap talaga ang masahe niya. He tap the bed telling me again to move closer. And I was right. Ang sarap talaga ng hagod ng mga kamay nito. He massage my neck down to my shoulder and back.

"Baka mamaya ikaw ang mapagod dahil sa akin." Pagod na nga siya pinagmasahe ko pa.

"Pag hindi ko to gagawin hindi mawawala yan."

May kahabaan din yung masahe niya. At infairness nawala yung pangangalay ng leeg at balikat ko. He always do this to me or to Lena. Kaso kung si Lena eh may bangayan pa bago at pagkatapos ng masahe. Isang mahabaang ingayan pa muna.

Pero sobrang lambot talaga ng pulso ni Joshua at napaka gaan pa ng mga kamay. Talagang ma re relax ka pagkatapos.

"Feel better now?" tanong niya right after niyang matapos.

"Oo, ang sarap talaga ng masahe mo Josh."

"Sige na, mahiga kana. Nang makatulog ka. Late na oh."

"Thank you talaga huh." I him tight before I lay down beside Juan.

"Bihis muna ako saglit huh."

"Okay, nasa right side yung pajama mo."

He opened the closet to take his Pj then he went down to change. Nasa baba kasi yung nag iisa naming banyo. Inaantok na ako pero gusto ko siyang hintayin. Pinagmasdan at niyakap yakap ko si Juan. " Ang cute mo talaga bata ka. Ang sarap sarap mong yakapin." bulong ko. Baka kasi magising ko pa.

Bakit parang ang tagal ata ni Joshua. Sabi niya bihis lang. Naku baka naligo pa yun. Mapasma pa siya. Mukha kasing siya yung nangalay pagkatapos. "Ang tagal naman ng ninong mo Juan. Inaantok na si nanay." Talking to my self again.

"Babain ko kaya." I secured Juan with my pillows in both sides. I wanted to check Joshua. Slowly I stand up and as careful as I can, I open the door. Then dahan dahan akong bumaba ng hagdan. "Josh" tawag ko sa kanya habang bumababa.

Pero nagulat ako ng makita kong bukas ang pinto ng apartment. Bakit kaya? Sabi niya magbibihis lang siya. At saka kung pupunta man yun ng unit niya eh malamang nakasara at naka lock ang pinto. Bakit kaya bukas to?

I took a peak of the outside. Ayokong lumabas. I have to check it first. Mahirap na baka may kung ano pa diyan. Paranoid na, pero okay na yung handa kahit papaano diba.

Inilibot ko ang piningin. At nawala ang pag aalala ko ng makita ko ang lalaking nakatayo sa harap ng gate. Bakit kaya lumabas to. At bakit parang ang lalim ata ng iniisip. Nakatulala pa sa harap bahay. Type ata niya ang ilaw sa kabila. Makatitig kasi mukhang na mesmerize. Nakapajama na ngat lahat lumabas pa.

It was not a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon