Chapter 2

72 4 3
                                    

Joshua POV


Mag kasama kaming tatlo kanina. Sana ganun palagi. Ako si Juan at ang pinaka-mahalagang babae sa buhay ko. Sana kasi ako nalang talaga ang naging tatay ni Juan. Bakit pa kasi yung ungoy pa na yun ang naging tatay ng baby ko.


I am Joshua Robert Flores. Taga Davao talaga ako. Pumunta lang ako dito sa Manila para mag-aral ng law. Hindi naman talaga payag ang Daddy ko kasi kami na ngalang na dalawa eh iiwan ko pa siya. Nung una nahirapan talaga ako na kombinsihin siya pero pumayag na din naman siya nung sabihin kung pamamahalaan ko ang kaunti naming negosyo sa Manila.


Ayun kahit na mahirap sinusubukan kong balansihen ang oras ko. Maliban kasi sa mga paupahang units at bahay ni Daddy eh nag tatrabaho pa ako sa isang law firm/ insurance company.


Hindi naman na talaga kailangan pero gusto kong makasama si Lia araw-araw. Kahit pa na halos dito na nga ako sa unit nila nakatambay buong araw. Ewan ko ba mula kasi nung unang kita ko palang sa kanya eh hindi ko na kaya na hindi siya makita st makasama. Kahit ba best friend lang ako para sa kanya.

Katunayan andito ako ngayon at  naghuhugas ng  mga plato. Ako kasi ang nakatoka ngayong araw . Halos dito na kasi ako kumakain araw araw sa unit nila Lia. Mag ka share sila ni Lena dito while ako naman eh sa katabing unit lang. Share din kami sa grocery. Maliban na lang sa mga gamit ni Juan. Ayaw kasi ni Lia na isama sa budget kaya ayun ginugulat na lang namin siya ni Lena pag-namimili kami pra wala na siyang magawa kundi tanggapin ang mga yun.

Pagkatapos kung maghugas eh pinuntahan ko si Lena sa likod. Naglalaba kasi siya. Kakausapin ko siya sa nakita ko sa mall kanina. Ang pinapanalangin ko nalamang na hindi yun nakita ni Lia. Mahirap na. I don't want her to feel bad about it.


"Len " Bigla kong tawag sa kanya. Masyado kasi siyang seryoso sa pag-lalaba. Halos mabutas  na yung pantaloon sa kaka kuskus niya. Bigla naman niyang nabitawan yung kuskus at mukhang nagulat ko talaga ang kapre. Nanlaki kasi yung mga mata niya at parang nanigas din siya.


"Sus ano ka ba naman Joshua. Ginulat mo ako, muntik na tuloy kitang murahin. Wag mong sabihin na palalabhan mo na naman ang mga damit mo". She seemed to catch her breath pero non stop parin sakaka dakdak.


"Hindi no! Kelan ba ako nagpalaba sayo?  Nag washing na ako kanina pagkagising ko."


"Aw,oo nga pala may washing machine ka nga pala..sorry wala kami nun dito eh." sarcastic pa niyang sagot. Pag hindi ko pa sinabi ang pakay ko malamang hahaba lang ang usapang labada dito.


"Tumigil ka na nga diyan kapre. Seryoso to ngaun." Ayaw kasi talagang patalo nito sa bangayan.


"Kapre?! Inggit ka lang mas matangkadm kasi ako sayo" asar niyang sagot.

Nakakatawa talaga tong si kapre.  "Ano ba yun at parang may na si-sense akong hindi mganda sa sasabuhin mo. May LBM ka bah? Hahaha ."..


Grabe makatawa ang kapreng to. Tas pa piece sign pa siya." Pwede ba seryosohin mo naman ako ngayon." Sarap lang batukan eh. Kinakabahan na nga ako dito. Tapos ito pa magiging reaction niya.


"Ok fine.  Sige na nga simulan mo na nga lang kaya Josh. Promise serious na ako."


It was not a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon