Chapter 1

1.6K 31 0
                                    

Hindi pa man sumisikat ang araw ay nasa cafe na si Krystal para magtrabaho bilang manager ng Polaris cafè. Nakagawian na rin niya na sa pagsapit ng alas-siyete ng umaga ay nasa café na siya para magtrabaho, marami-rami rin kasi ang nagiging customer nila sa umaga lalo pa at ang ibang may pasok ay nagkakape lang sa Polaris café bago pumasok, samantalang ang iba naman ay mga estudyante na nagmamadaling pumasok sa paaralan at nagkakape na lang kapag nakakalimutan na ang agahan. It was always busy early in the morning kaya hindi na nakakapagtaka kung umaga pa lang ay nasa café na s'ya at inaasikaso ang mga customer. Ang Polaris café ay  pag-aari ng kaibigan niyang si Dos Polaris El Greco, likas na mayaman—hindi lang pala mayaman, kung hindi mayamang-mayaman, nakakalula ang yaman nila na nanggaling pa sa mayamang angkan ng mga El Greco sa Italya. Dos is one of the heirs of the largest and wealthiest empire in Italy, the El Greco empire with lots and lots of chains of power, connection and business in different countries like Italy, France, Germany, Luxxembourg, Guatemala, Australia, South Korea, Japan and many more neighboring countries in Asia and Europe. It was said that they came from an old money, however, El Greco empire was only founded by their parents and not by their ancestors. Maraming negosyo ang pinasok ng hawak ng mga El Greco pero ang alam niya ay hotels, restaurants, resorts, cruise, construction, airlines and jewelries ang  pinagkaka-abalahan ng mga El Greco, well aside sa mga sari-sariling gusto ng mga heir at heiress. Just like Dos na nahiligan niya ang cafe, ang iba naman sa mga kapatid niya ay club, modeling, literary arts at iba pa, naka-depende iyon sa hilig nila. Subalit sa kabila ng mga sari-sariling hilig ay kailangan pa rin nilang pangalagaan ang naka-assign na kompanya, establisyemento, o negosyo na ipapahawak sa kanila. Mabuti na lang rin at considerate ang mga magulang nila at hinahayaan sila sa mga bagay na gusto nilang gawin at hayaan silang pumili ng kompanya at negosyong pangangalagaan balang araw. Just like Dos have to handle Chain of Hotels and Resorts dahil na rin sa personalidad nito, she knew her boss loves to run something that involves food, beverages, anything that includes eating and relaxing. Pero mas gusto pa rin nitong tumambay sa café na itinayo nito na ito pa mismo ang nag-design. He was very picky about the details, meticulous about the things to be placed inside this café, and even in the menu—it was him who decided everything.

Mabuti na lang at hindi ako kasi wala naman akong kaalam-alam sa mga designs eh. Napailing na lang si Krystal at nagpatuloy sa pagkuha ng mga orders.

Habang nasa counter si Krystal at nagtatrabaho, ay titig na titig sa kanya ang isang binatang hindi n'ya kilala. Pero sobrang refreshing ng mukha, ang gwapo nya rin. He looks like a dashing debonair—a demi-god or a Greek god perhaps. He just looks surreal na hindi n'ya mapigilang mamangha rito. Hindi naman kasi araw-araw na may makikita s'yang ganoon kagwapong nilalang aside sa boss n'ya kaya normal lang na mamangha siya sa kagwapuhang taglay ng binata. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit tila ang init ng mga titig nito na para bang isa s'yang pagkain na handa na nitong lapain anumang oras. Ipinilig n'ya na lamang ang ulo at nagpatuloy sa ginagawa, subalit panaka-nakang napapasulyap pa rin s'ya sa lalaki. Maya-maya pa ay lumapit ito sa counter at nag-order. The downright gorgeous man ordered a caramel macchiato and a chocolate lava cake together with his powerful yet devilishly handsome aura.

'Ghad, why do this man has to be this handsome? He looks like a greek god or a demi-god that had come down to Earth to captivate every woman's heart. And his orders were too sweet for a man's taste huh' Krystal thought.

The handsome man in the counter is so captivating to the eyes of other customers with his devilishly handsome face, aristocrat nose, a set of gorgeous blue eyes, perfectly shaped lips that's too tempting to be kissed, a stubborn jawline and that thick brows.

She gasped when that man look at her. Siya lang ba, guni-guni niya lang ba iyon o talagang tinititigan siya ng gwapong binatang nasa harap niya ngayon? Parang oo, na parang hindi rin. Basta naguguluhan siya, at ayaw niyang mag-assume. Tila wala namang pakialam ang binata sa nakukuha nitong atensiyon. Hindi nito alintana ang napakaraming mata na nakasunod ang tingin sa kanya, kahit pa magsiksikan pa sila masilayan lang ang napakagwapong nilalang.

El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon